Noong ako ay bininyagan. |
Tatlong taong gulang. |
Simula ng ako ay isinilang, sa Brgy. Sto. Niño, San Pablo City kami nakatira. Sa unti-unti kong paglaki, nakakilala ako ng mga batang taga-doon na naging kalaro ko. Sa kanila ako natutong maglaro ng holen, lutu-lutuan at marami pang iba. Isang araw, sa likod ng aming bahay ay mag-isa lang akong naglalaro ng holen. Hindi ko namalayan, ito pala ay naisubo ko at nalunok. Bigla kong tinawag ang nanay ko na naglalaba. Hindi ko agad nasabi sa kanya na nakalunok ako ng holen, dahil nahihirapan akong magsalita at medyo nasusuka pa. Ang ginawa niya ay binatukan ako pero walang nangyari kaya dinala na niya ako sa hospital. Ngunit wala din namang nangyari kaya umuwi na lang kami. Pagdating namin sa bahay, nakaramdam ako ng pagdumi at sa aking pagdumi ay sumama na sa paglabas ang holen na aking nalunok. Laking tuwa ko noon dahil wala na akong nararamdamang masama. Simula noon, hindi na ako nagsusubo ng mga bagay na hindi naman nakakain.
Sa halip na maglaro, nasama na lang ako sa aking Ina sa paaralan na pinapasukan ng aking mga kapatid sa mababang Paaralan ng Sto. Niño. Nagtitinda siya don ng palamig at ice candy. Sa araw-araw na pagsama ko sa kanya, nakilala ko na ang mga kamag-aaral ni ate at kuya. Sila ay naging kalaro ko. Pag minsan pa nga,tinutulungan ko silang magbunot ng damo. Nahanga nga sila sa akin, dahil sa liit ko daw ay ang bilis ko daw magbunot ng damo. Daig ko pa daw sila. Nang dumating ang taon na malapit na akong pumasok ay napagkasunduan ng aking mga magulang na lumipat kami ng bahay sa Brgy. Sta. Catalina kung saan malapit lang sa bahay ng aking Lola at sa paaralan na aking papasukan. Sa Sto. Niño kasi ay sobrang layo ng paaralan mula sa aming bahay at delikado pa dahil mabilis ang sasakyan na nadaan doon. Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanila dahil para din naman ito sa akin.
Si Michael at ako. Siya yung lagi kong kalaro. |
Taong 2000, lumipat na kami ng bahay sa Brgy. Sta. Catalina at pansamantalang nanirahan muna sa bahay ng Lola ko dahil nagpapatayo pa kami ng bahay. Ang paninirahan namin doon ay naging masaya dahil malapit lang kami sa aming mga kamag-anak. Tuwing Sabado, hihihintay kong dumating ang pinsan ko na taga-Calamba. Iyon ang lagi kong kalaro. Sa kanya ko natutunan kung paano maglaro ng 8 cards at 123 pass. Masaya kaming naglalaro nito at kung sino ang matalo ay pipitikin ang kamay. Nakakaawa naman ako noong una kasi lagi ako ng talo dahil sa hindi pa ako masyadong maalam, pero habang tumatagal, nananalo na ako. Pag minsan, aso naman ang nilalaro namin, ikinukulong namin ito sa loob tapos tatakbo kaming dalawa ng mabilis upang indi kami maabutan nito. Ang aso ay gagawa ng paraan upa ng makaalpas at tatakbo din ng mabilis upang maunahan kami. Kahit anong gawin namin ay hindi pa rin namin magawang unahan ang aso. Kapag iyon ang kasama ko, masasabi kong na-enjoy ko ang aking pagkabata.
Pumasok ako ng Kinder sa loob lamang ng isang linggo. Nilagnat ako noon tapos hindi na tuluyang pumasok dahil natatakot ako sa aking guro. Napalo pa nga ako ng aking Ama sa kagustuhan niyang papasukin ako, pero ayoko naman. Kaya napagpasyahan ng aking mga magulang na huwag na lang daw muna akong pumasok dahil hindi pa daw ako handa. Kung kaya, isang taon akong puro laro lamang ang ginagawa. Kapag papasok na ang aking mag kapatid sa paaralan ay hinahabol ko sila at ako ay naiyak, ayokong iwan nila ako dahil natatakotpa akong makasama ang aking Lola. Pero habang tumatagal nasanay na din ako.
Di bale ang nangyari, Grade1 na kong nagsimulang pumasok na ang akala ko pa ay saling-pusa lang ako dahil hindi ako nakapasok ng kinder at wala pa akong alam, kahit ang mga kulay ay hindi ko din alam. Sa unang pagpasok ko ay kinakabahan ako dahil wala pa akong kakilala kahit isa, pero paglipas ng ilang araw ay nagkaroon na ako ng mga kaibigan at nagsimula na din akong dumaldal kaya napapagalitan ng guro. Noong magkatabi kami ni Paul John Dorado ay pinaglayo kami ni Mam ng upuan dahil sa kaingayan namin, ngunit kahit magkahiwaly na kami ay ay patuloy pa rin kaming nagdadaldalan, kaya sabi sa amin ni Mam, kapag indi daw kami tumigil ay pag-uuntugin niya na kami. Kaya simula noon ay tumigil na kami. Noong malapit ng matapos ang taon, masasabi kong hindi naging hadlang ang hindi ko pagpasok ng kinder dahil ako ay naging 3rd Honor at nataasan ko pa ang mga kaklase kong pumasok ng kinder.
Ito ay noong Grade 2 ako. |
Grade 3, sa baitang na ito ako nagsimulang maglaro ng balibol. Ayaw pa akong payagn ng aking mga magulang na sumali, dahil baka daw mapabayaan ko ang aking pag-aaral. Ngunit pinilit ko pa rin sila at ako ay nakasali. Kapag kami ay nag-eensayo, laging sinasabi ng coach ko na maalam daw akong maglaro, kaya lalo akong nagka-interes maglaro nito. Sa unang laban namin sa Division Meet ay natalo kmi ng dalawang sunod kaya laglag na agad. Ang paglalaro ko sa taong ito ay hindi nakaapekto sa aking pag-aaral, sa halip nakatulong pa ito, dahil naging 1st honor ako.
Mga ka-team ko sa STCAA. |
Ipinagpatuloy ko ang aking paglalaro ng balibol hanggang Grade 6. Nahasa ng husto ang aking kakayahang maglaro ng balibol. Kung kaya nakatanggap kami ng ikatlong pwesto noong Grade 5 at napasama pa ako sa STRAA sa Dasmariñas, Cavite. Noong Grade 6 naman ako ay nakatanggap ng Ikalawang pwesto at napasama ulit ako at si Sarah Maica Dela Cruz sa STCAA ( Southern Tagalog Calabarzon Athletes Association ) sa Batangas. Dito naglalaban-laban ang mga piling mahuhusay na manlalaro. Napakapalad ko na ako ay napasama dito. Sa paglahok ko dito, marami akong magagandang karanasan. Ngunit sa pagsali ko dito ay hindi ko na namalayan na napabayaan ko na pala ang aking pag-aaral. Bumaba na ng bumaba ang aking pwesto. Noon ko lang na-realize na hindi lang pala dapat puro laro lang inuuna ko. Dahil dito, naging 2nd Honor na lang ako noong Grade 5 at 1st Honorable Mention lang ang natanggap kong karangalan noong ao ay nagtapos ng elementarya. Madaming nagalit sa akin dahil pinabaayn ko daw ang aking pag-aral. Inuuna pa ang balibol kaysa pag-aaral. Kaya simula noon, sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako maglalaro ng balibol sa hayskul.
Sa pag-eenroll ko ng 1st Year Highschool sa Dizon Hihg ay nahirapan ako dahil wala akong birthcertificate. Sa kadahilanang ang orihinal na kopya nito ay nasa Division Office na ginamit ko sa paglalaro ng balibol na hanggang sa ngayon ay hindi pa napapabalik sa akin. Buti na lang ipinakiusap ako ng Tita ko na sa pasukan na lang daw ibigay ang birthcertificate ko at pumayag naman sila. Laking pasasalamat ko sa kanya. Sa unang araw ng pasukan ko nalaman ang seksyon ko. I-A. Hindi naman ako nahirapang makisama sa mga kaklase ko dahil may kaklase ako na naging kaklase ko noong elementarya. Ngunit hindi naman siya ang lagi kong nakakasama. Nabuo ang grupong KIKAYZ, at ako ay naging miyemro noon kahit hindi naman ako kikay. Makalipas lang ang ilang linggo ay nabuwag na ang grupong ito, ngunit may natira pa rin akong kaibigan na lagi kong nakakasama. Isa na dito si Anjanette Posada. Nakakatuwa iyan, kasi pagkatapos naming magcomputer, nakasaluong namin siya. Sabi niya may ostoeporosis daw siya, pero sa likod naman ng tuhod nakahawak. Nagtaka kami. Sabi namin, "di ba ang ostoeporosis ay nasa likod?". Sabi niya, "sa likod nga.". Umoo na lang kami tapos nagtawanan.
JERSAJ |
Sa ngayon na ako ay nasa ika-apat na antas na ng sekondarya. Dito ako madaming kalokohang ginagawa. Pero hindi ako nagka-cutting classes. May nakasagutan sa IV-F upang ipagtanggol ang paglilinis ng IV-A ng silid. Pero makalipas ang ilang araw ay nagkaayos din kami. Kapag nagkakasalubong, nagngingitian at nagpapansinan. Ang seksyon pa nga nila ang naging kakampi namin sa mga laro noong mini olympics.
Madami akong activities na sinalihan tulad ng science camp, kung saan namalagi kami sa paaralan ng tatlong araw at dalawang gabi. Fieltrip na hindi naman ako nasiyahan sa mga pinuntahan. Mini olympics na nagkaroon ng bagong kaibigan at nagkaroon din ng kagalit. Red Cross Seminar kung saan tinalakay ang mga dapat gawin kapag may disaster. At ang huli ay ang JS Prom na may theme na Hawaiian. Wala dapat akong sumama dito, ngunit ng sumsms na ang mga bestfriends ko ay napilitan na di akong sumama. Ang araw bago mag-JS, doon nabuo ang desisyon kong sumali. Hindi naman ako nagsisi sa pagsali dito dahil naging masaya naman ako. Ngayong ako ay malapit ng makapagtapos ng sekondarya, sana ay makapili ako ng kursong naaangkop sa aking kakayahan at kailanma'y hindi ko pagsisisihan.
4th Year. |
15 years old. |
No comments:
Post a Comment