Saturday, February 19, 2011

Ang Talambuhay ni : Aaron Paul Sumiran Lucido

Ang Talambuhay ni : Aaron Paul Sumiran Lucido



WANTED!!! hahaha
          Ang sariling talambuhay ay isang kwento o istorya ng isang tao, na sya mismo ang sumulat. Ang talambuhay ay isang napakahalagang impormasyon sa isang tao. Dahil dito mo malalaman ang buong buhay nito at ang kanyang karanasan sa buhay. Ito mo rin mababasa o malalaman kung naging Masaya o malungkot ang naging tadhana ng isang tao sa kanyang pamumuhay.

            Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento ng kanilang sariling buhay. Masaya man ito o malungkot. Tulad ko ay meron din naman akong masayang karanasan. Hayaan ninyo na ilahad ko sa inyo ang aking sariling talambuhay. Layunin ng aking talambuhay na ilahad ang sariling kwento ng buhay ko simula pa noong aking kapanganakan hanggang ngayon sa kasalukuyang panahon.

Noong nakaraang Oktubre 15, 1994 araw ng Biyernes sa ganap na ika-tatlo at labing anim na minuto ng umaga ay isinilang ang isang napakalusog na isang bata na nagngangalang Aaron Paul Sumiran Lucido. Siguro naman po ay naging Masaya ang aking mga magulang at kamag-anak noong nakita nila akong lumabas ng maayos at malusog mula sa sinapupunan ng aking mapagmahal na ina. Ako ay ipinanganak ng aking nanay sa San Pablo District Hospital. Ang doctor na nagpaanak sa aking ina ay si Doktora Soo. Pagkatapos ng pagkaanak ay namalagi kami sa loob ng ospital ng dalawang araw. Noong Oktubre 17, 1994 araw ng Linggo sa ganap na ika-siyam ng umaga ay inilabas na kami ng ospital. Pero nung una ay ayaw pa kaming palabasin ng guwardiya dahil araw daw iyon ng Linggo kaya hini kami makalabas kasi sarado daw ang mga opisina ng mga ganoong araw. Pinuntahan kami ng aking lola na nagtatrabaho sa loob ng opisina sa mismong ospital na iyon na siya ang naggarantor. Kaya kami nakalabas. Pagkatapos noon ay nakauwi kami sa aming munting tahanan na nakatayo sa #543 Brgy. San Diego, San Pablo City. Kinabukasan naman ay ipinakonsulta ako sa pribadong manggagamot na nagngangalang Doktora Lyda Largoza. Siya rin ang aking naging doctor hanggang sa ako ay lumaki.

Araw nang ako'y binyagan.
Noon naming nakaraang Nobyembre 19, 1995 sa araw din ng Linggon sa ganay na ika-sampu ng umaga ay naganap ang isang simpleng binyagan sa St. Paul the First Hermit o mas kilala sa tawag na Cathedral ng San Pablo. Nagkaroon ng apat na pares ng ninong at ninang. Ang pangalan ng mga ninong ay sina Ruel Porcioncula, Fredie Mañalac, Rodolfo De Duzman, Ruel Alcantara at sa mga ninang naman ay sina Marissa Bertucio-Lucido, Enya Mojado-Ciar, Edesa Sumiran-Ticzon at si Ma. Laviña Lucido. Pagkatapos ng binyagan ay umuwi na kami para magsalu-salo ng tanghalian sa aming bahay.


Noong ako ay walong buwan.



Noong ako ay nasa ika-dalawang buwan ay natuto na akong mapatawa. Tapos noong ika-apat na buwan naman ay nagsimula na akong pakainin ng kanin. Noong ika- walong buwan naman ay nag-uumpisa na akong lumakad gamit ang isang walker.







Selebrasyon ng aking unang kaarawan.
Noong Oktubre 15, 1995 sa araw naman ng Sabado sa ganap na ika-talo ng hapon ako ay naging isang taong gulang na at nagkaroon ng isang simpleng salu-salo sa aming bahay. Nagkaroon ng isang salu-salo para sa mga imbitadong tao para makidalo sa pagdiriwang ng aking unang kaarawan. Maraming naging bisita at marami rin akong matanggap na regalo. Naging Masaya naman para sa aming lahat ang naging maayos sa selebrasyon para sa aking kaarawan ng araw na iyon. Pagkalipas ng mga araw ay naging malikot na ang aking paglaki. Dahil ganun naman talaga ang mga bata sa umpisa ay sobrang kulit at likot. Kaya naman hirap na hirap sa akin ang nanay at tatay ko sa pag-aalaga. Pero noong ako ay nakakapaglakad na nang mag-isa na hindi kailangang gumamit mg walker o inaakay ng tagapag-alaga ay hilig ko noong pumunta sa bahay ng aking lolo na noon ay kapit-bahay lang naming. Sa lahat ang aking naging lolo at lola o sa iba pang kamag-anak ay sa kanya lang ako napamahal ng sobra. Tanda ko pa mga noon kapag ako ay pagagalitan o papaluin ng aking ina ay agad-agad akong tatakbo papunta sa aking lolo upang hindi ako mapalo o mapagalitan. Kaya naman ako ay nasanay na sa ganoong gawain kapag may kasalanang nagawa at upang makaligtas sa parusang ihahatol. Kagaya rin ako ng ibang bata diyan na mahilig sa paglalaro. Kaya naman pagkatapos ng isang buong araw ay pawisan at puro sugat kadadapa. Pero kapag ito naman ay nakita ng aking butihing ina ay agad-aga niya itong lilinisin at gagamutin gamit ang alkohol at betadine.

Pagsapit naman ng ika-limang taon ay sa buwan ng Hunyo ay nagsimula na akong pumasok sa munting paaralan ng Day Care Center sa Barangay ng San iego na kayang-kaya naming lakarin. Dahil malapit lamang sa amin. Pero kahit malapit lamang ang paaralan mula sa aming tahanan ay hatid-sundo pa rin ako ng aking ina. Sa unang araw pa lamang ng klase ay sabik na sabik na akong pumasok at mag-aral. Ang una naming ginawa sa klase ay katulad ng ginawa ng iba na pangkaraniwan nang pagpapakilala sa isa’t-isa. Ang aking guro ay si Gng. Eseo. Isa siyang masipag magpaguhitat magpakulay na guro. Dahil noong mga araw na iyon ay wala na kaming ibang ginawa kundi magguhit nang magguhit at magkulay ng magkulay. Kaya naman meron akong naging kaklase na hindi na nakatapos ng pag-aaral. Dahil na rin nakakasawa at naging kabagut-bagot na ginagawa sa oras ng oras. Siyempre ang gusto ng lahat ay kapag tumunog na ang kampana. Dahil iyon na ang hudyat na recess na. Siyempre, kanya-kanya nang labas ng kani-kanilang baon na pagkain at hindi maiwasan ang pagbibigan at agawan kapag ito ay madamot. Kaya nagkakaaway ng dahil sa baong pagkain. Pagkatapos ng klase ay awasan na ang kinasasabikan ng lahat. Dahil sa mga oras na iyon ay pwedeng-pwede nang nakipaglaro sa kapwa mo estudyante. Pagkatapos maglaro ay kani-kaniya nang uwi sa kanilang bahay. Dahil hapon na at palubog na ang araw. Dumating na rin ang pinakaiintay na araw ng lahat. Ang pagtatapos ng aming pag-aaral sa Day Care. Ito ay ginanap noong Marso 18, 2000. Ika-alas siyete ng umaga sa Liceo de San Pablo. Napakasaya ko noon pati na rin ang aking pamilya. Dahil nakatapos na ako sa aking pag-aaral.

Hunyo na naman kaya buwan na naman ng pag-aaral. Ako ay nasa kindergarten na nang mga oras na iyon. Ang aking eskwelahan na pinasukan ay sa Little Angel Learning Center. Ito ay nasa Sta. Isabel, San Pablo City. Pagkalipas ng ilang buwan ay tapos na ako sa pagiging estudyante ng kindergarten noong Marso 22, 2001.

Intrams
Nandito na ako sa hakbangin ng pagiging estudyante sa elementarya at nasa ika-unang baitang na ako sekyon ng grade 1-A. ang aking naging titser ay si Gng. Caperiña. Isa siyang napakabait na guro. Marami kaming matutunan mula sa kanya. Palagi kaming nagsusulat, nagbabasa at kumakanta sa oras ng klase. 

Birthday bangas! hahaha :)








Ika-dalawang baitang naman noong una ako dapat ay sekyon B dahil mabait ang guro doon. Kaya lang hindi pumayag ang guro na iyon. Dapat daw ako ay sa sekyon A kaya napilitan na rin akong lumipat. Napakataray at napakahilig magpasulat ng aming naging guro sa sekyon A kaya naman ako ay nagkakalyo na sa kaliwang daliri. Dahil sa kasusulat. Sa sobrang taray ay lagi siyang namamaltok ng pambura sa pisara sa mga estudyanteng hindi nakikinig sa kanya kapag siya ay nagtuturo. Kaya dapat kang maging magaling sa pag-ilag. Mahilig din siyang manghigit ng patilya hanggang sa ito ay matanggal. Isa rin iyon sa mga parusa niya kapag hindi gumagawa ng takdang aralin o kaya naman ay hindi nagsusulat ng mga leksyon namin.

Ika-tatlong baitang seksyon A pa rin. Ang aking naging guro naman ay si Gng. Bathan. Siya ay napakasipag na guro. Ako ay nasa ika-apat na baitang seksyon. Ang guro ko ay si Gng. Montoya. Magaling siyang guro lalo na sa larangan ng siyensya, Hekasi at Matematika. Dito na rin nagsimula nang aking pagsama sa kamping ng Boy Scout. Ito ay ginanap sa Sta. Filomena. Yun ang unang pagkakataon na ako’y nakasama sa isang kamping. Doon ko rin natutunan ang mamuhay nang mag-isa at hindi kailangan ng tulong ng pamilya. Gaya na lamang sa mga gawaing bahay. Ika-limang baitang ang aking guro naman ay si G. Vista. Siya naman sa larangan ng Hekasi. Mabait in naman siya sa kanyang mga estudyante. Ika-anim na baitang. Si Bb. De Guzman naman ang aming naging tagapayo. Siya ang guro naming sa asignatura ng siyensya, Ingles, E.P.P., at G.M.R.C.. Sobrang galing niyang guro. Kahit saang larangan ay kaya niyang magturo. Mabait siya sa kanyang estudyante at hindi siya nananakit ng mga estuyante. Mataas din siyang magbigay ng mga grado sa mga estudyante.

           Mas mataas naman na kalidad ng pag-aaral. Ito ang pag-aaral sa hayskul. Noong una ay sinasamahan pa ako ng aking ina sa pagpapalista upang makapasok sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Iyon ang napili ng aking mga magulang na aking pasukang paaralan. Unang araw pa lang ng klase ay kinakabahan na agad ako pagpasok pa lang sa silid-aralan. Dahil wala pa akong masyadong kakilala. Ang unang araw ay pagpapakilala mo ng iyong sarili sa iba. Ang buhay hayskul na sa palagay ko ang pinakamasayang parte ng buhay ko. Dahil sa panahong ito ko naranasan ang tunay na pag-aaral at kailangan na talagang maging seryoso sa paaralan. Dito rin ako nakakilala ng mga bagong kaklase at kaibigan. Masrap talaga ang buhay hayskul dito ko rin naranasan ang pagbibiruan ng todo, pagkakampihan at paglalakwatya. 

      Noong ika-dalawang antas ng sekondarya ay medyo tahimik at hindi pa rin ak masyadong masalaw sa klase. Sa mga panahong ding ito ko naranasan at naramaman ang tamis ng unang pag-ibig. Siya ang kauna-unahang babaeng nagpatibok ng aking puso. Ang babaeng aking tinutukoy ay walang iba kundi si Bb. Marenelle Dela Cruz Bayan. Sa kanya ko lahat nakita ang mga gusto ko sa isang babae. Pero noong una ay paghanga pa lang ang tingin ko sa kanya. Pero pagdating ng ikatlong antas ay sinimulan ko na siyang ligawan noong Disyembre 17, 2009 nang gabing iyon. Dahil may konsyerto kaming dinaluhan sa paaralan at simula noong gabing iyon ay tuluy-tuloy na ang aking panliligaw sa kanya. Kinabukasan ay nagkita pa rin kami at binigyan ko siya ng isang napakagandang singsing. Iyon ang naging tanda ng aking pagmamahal sa kanya. Pero nung itinanong ko sa kanya kung may pag-asa ban a maging kami ang sinagot niya ay bawal pa siyang magboypren. Hindi iyon naging hadlang sa pagmamahal ko para sa kanya.


      Noong nagkaroon kami ng Juniors Seniors Prom noong Pebrero 13-14, 2010 ay siya kaagad ang una kong isinayaw sa tugtog na “love story”. Siya rin ang kasayaw ko noong mag-alas dose at sabay na bati sa kanya ng “Happy Valentine’s Day” at siya rin ang kasayaw ko hanggang sa huling tugtog bali taltlong beses na kaming magkasayaw noon. Pagkatapos ng pagdiriwang ay saka ko lang ininigay sa kanya ang aking regalo na tsokolate at bulaklak. Pagkatapos noon ay uwian na. kaya lang noong Abril 10, 2010 ako ay kanya nang binaste. Dahil kami ay nagkatampuhan kasi pinagbawalan ko siyang sumama upang makipag-inuman sa kanyang mga kaklase. Ika-apat na antas nang sekondarya. Marami kaming mga naging bagong kaklase na mula sa seksyon ng siyensya. Pagdating naman ng Oktubre 23, 2010 ay nagkaroon kami ng isang napakasayang educational Field Trip. Siyempre siya pa din ang aking tinabihan sa bus. Nagpunta kami sa Bioresearch, Intramuros at Mall of Asia. Pagpunta sa Mall of Asia ay nagpunta ako sa tindahan doon ng Blue Magic. Binilhan ko siya ng regalo na hugis puso na may nakasulat na “Happy Birthday”. Dahil kaarawan na niya sa darating na Oktubre 26, 2010. Ibinigay ko yun noong pauwi na kami. Kaya lang noong pag-dating ng buwan ng Nobyembre ay itinigil ko na ang panliligaw  ko sa kanya. Dahil wala na akong nararamdamang pagmamahal mula sa kanya. Buti naman ay panibagong babaeng nagmahal sa akin. Yun ay si Bb. Krislyn Joy Mendoza Cacao. Noong una ay sinabi niya sa akin na mahal niya daw ako. Kaya natutunan ko na rin siyang mahalin at niligawan ko na siya. Sa wakas noong Disyembre 18, 2010 ay sinagot na rin niya ako. Pero hindi rin kami nagtagal. Naging kami lang sa loob ng isang buwan at dalawampu’t limang araw. Heto na ang pamumuhay ko ngayon na Masaya at walang inaalala. Pero hanggang ngayon ay may isang tao pa ring patuloy kong minamahal ng sobra-sobra. Hindi ko pa rin siya nakakalimutan dahil sa kanya ko lang naramdaman ang tunay na pagmamahal kahit hindi na kami. 

JS PROM. '09-'10


Hanggang dito na lang po muna ang aking maikukwento sa inyo. Salamat po sa inyong lahat sa pagbasa ng aking munti ngunit makabuluhang talambuhay. 



No comments:

Post a Comment