Bago ko simulan ang kwento ng buhay ko hayaan niyo munang ipakilala sa inyo ang aking sarili..
|
nung ako'y wala pang isang taong gulang. |
Ako si Wilyn Patag Balitaan, kung tawagin sa amin ay "Wilen" at yung iba naman ang basa sa pangalan ko ay "Waylin" at may ilan namang ang pakinig sa pangalan ko ay "Winnie", "Milen", at kung ano-ano pa. Ako ay ipinanganak noong Agosto 19, 1994 sa San Pablo City Hospital. Ang aking mga magulang ay sina Wilfredo Laiño Balitaan at Josephine Patag Balitaan. Ako ang panganay sa aming apat na magkakapatid pero may dalawa pa akong kapatid sa una, kapwa sila lalaki, isa sa nanay ko, siya si Joseph Patag at isa din sa tatay ko, siya si Angelo Balitaan. Ang mga tunay kong kapatid ay sina Wilfredo Jr., Winston at si Wilfhine.
Ito ang kwento ko..
|
swimming namin. |
Noong ako ay bata pa, sa Cornista St., City Subd kami nakatira kung saan ay yung bahay na iyon ang kinagisnan naming bahay, ang taas ay yari sa kahoy at ang ibaba naman ay sementado. Malawak ang aming bakuran na may mga puno pa at may tanim din ang lolo ko doon na okra dahil si lolo ay may bahay na maliit sa tapat namin na sakop naman ng inuupahan namin, sa likod naman ay may kulungan ng panabong na manok, may duyan din samin kaya naman ay madalas kong niyayaya ang mga kalaro ko kaya naman ako ay laging napapagalitan ng aking nanay kapag ang mga kalaro ko ay yung mga batang taga loobanna tinatawag nilang "yagit". Kaya nga ba't ako ay laging sinasama ng mama ko sa kanyang kaybigan na si Tita Cora na kapitbahay lang din namin kung saan ang mga kapatid kong lalaki ay doon naglalaro, ang kalaro nila ay yung bunsong anak ni Tita Cora na si Mj. May dalawang dalagitang kapatid si Mj pero hindi ko sila kasundo, minsan lang kapag nagpapasama sila sakeng bumili o di kaya'y pag nasa mood sila, madalas ay tinatarayan nila ako kaya si Mj lang din ang kalaro ko. Kalaro ko din dati yung pinsan niyang si Jerome Gunday na naging kalahok ng Lakan at Mutya ng San Pablo na nag-uwi ng ilang parangal pati yung dalawa niyang kapatid ay nakakalaro ko din. Madalas ay kaaway ko yung bunso niyang kapatid na babae, nagpapagalingan kaming sumayaw pero lagi akong natatalo sapagkat marunong siyang magsplit na gumigiling pa, samantalang ako ay bending at giling lang ang alam. Inuulot kaming dalawa nung dalawang dalagitang kapatid ni Mj, sa kanya kampi yung dalawa. Isang gabi naman ay nasa kanila pa kami tapos ay lumabas kami nila Mj ng bahay nila, nakita namin yung mga batang yagit kabilang doon si Vanessa, itong si Mj ay may taglay na kalokohan, inulot kaming dalawa kaya naman kami ay nag-away na nauwi sa sabunutan. Natalo ko siya dahil naihiga ko siya sa lupa at pinatungan ko pa habang sinasabunutan. Simula noon ay hindi na ako muling nakadaan sa looban. Noong naglalaro naman sila Mj at ang dalawa kong kapatid ng baril-barilan ay nakisali ako, umuwi ako nang naiyak sapagkat ako ang binabaril nila kaya napagalitan yung dalawa kong kapatid. Minsan ay nasa kwarto lang nila kami, naglalaro ng playstation, dun ata ako nahalikan ni Mj sa labi, hindi ko lang tanda kung anong naging reaksyon ko nun. Nagkaroon din kami ng outing kasama ang family nila Mj at nina Jerome at madami pang iba na hindi ko na tanda kung sino-sino, Villa Del Frado ata pangalan ng resort na yun. Maganda ang resort na iyon may dagat pa kaya naman sila ay nagdesisyong mamangka kasama kami, naiwan ang tsinelas ko dun sa pinuntahan namin kaya hindi na namin nabalikan.
|
noong ako nagtapos sa Kinder |
Magkasabay kami ng kapatid kong sumunod sa pag aaral na si Wilfredo na kung tawagin ay "Tilas" dahil daw laging nakatirik ang buhok, marami siyang naging palayaw. Isang taon lang ang tanda ko sa kanya. Ganado akong pumasok noon, dahil sa baon. Ako ay kasali sa honors nung kinder. Nung pumarada kami nung nutrition month may dala kaming basket na may mga lamang prutas at gulay na naging dahilan ng pagkakadapa ko kaya habang naparada kami ay iyak ako ng iyak. Nung grade 1 ay sa San Roque Elementary School kami pumasok, magkaklasi pa rin kami ni Tilas. Tinusok ako ng lapis ako ng kaklase kong lalaki ng lapis sa likod na naging dahilan ng unang pagsugod ng aking nanay sa school at napagsabihan yung kaklasi ko ng mama ko, at napalo naman siya ng patpat ng guro ko na si Ms. Gina Belen, uso pa noon yung pamamalo ng patpat, yung pinapatilyahan ang estudyante at hinuhubuan din. Simula noon ay naging mabait na saken yung kaklase kong iyon, siya na ang nagtatanggol sakin pag may nakakaaway ako sa school, lagi niyang tinatakot na papagalitan daw sila ng mama kong mataray. Naging third honor ako noon at nagkaribbon din na best dancer. Noong grade 2 naman kami ay may pumuntang dentista sa school namin kaya pinabunot ko na yung bulok kong ngipin. Magkaklase pa rin kami ng kapatid ko pero lagi kaming nag aaway, lagi niya akong sinasabunutan pero hindi ako makalaban sa kanya kaya lagi akong naiyak kaya naman nung grade 3 kami ay hindi na kami magkaklase. Buntis ang mama ko sa bunso namin noong namatay ang kanyang ama sa Antipolo. Natapos ko ang ikalawang baitang na may nakamit, ngunit achiever nalang ako. Nang kami ay grade 3 na ay lumipat na kami ng bahay sa kanto ng Cornista dahil yung inuupahan namin noon ay gagawin nang apartment. Simula noong naghiwalay na kami ni Tilas ng section ay lagi na akong pinapatawag ng kanyang titser dahil nang aaway siya ng kapwa kamag aral at minsan pa ay practice teacher. Kapag nagtetest kami o kaya'y nag i'spelling ay pinakokopya ko yung katabi kong transfer lang sa school namin na crush ko naman.
|
family picture namin, wala pa yung bunso kong kapatid
.Hindi na ako nagkasabit noon. Nung grade 4 na ako ay lumipat na kami sa San Rafael kung saan nakabili ang papa ko ng lupa at pinatayuan niya ng simpleng sementadong bahay, hindi pa tapos noon yung bahay nung kami ay lumipat, hanggang ngayon ay hindi pa siya natatapos kaya inilagay ko sa isip ko na ako ang magtatapos nun. Hindi ako nakatagal doon sapagkat walang koryente doon dahil malayo sa kalsada, ang tubig ay sa poso pa, ang inumin naman ay sa bukal, medyo malapit lang kami sa ilog kaya doon din kami naglalaba, minsan ay sa bukal. Sa tiyuhin ko ako nakatira noon, sa likod ng school na pinapasukan namin kaya pag papasok ako noon ay naliban lang ako sa mababang bakod dun. Doon na din nakatira lolo ko, siya ang nag papabaon sa akin noon, siya din taga gising ko tuwing umaga. Tuwing gabi ay pinapasalubungan niya kaming tatlong magpipinsan. May anak tito ko na dalawang babaeng maldita, kahit nakakatanda ako sa kanila ay napapaiyak nila ako dahil nakikitira lang ako sa kanila ay hindi ko sila nilalabanan. Minsan ay nagpapahilot sa akin ang lolo ko pero naangal ako kasi ang baho nung panghilot, langis na may bawang at kung ano-ano pa kaya naman minsan ay hindi niya ako pinapasalubungan kaya napipilitan akong hilutin siya at ako din taga lista ng lotto na inaanunsyo sa tv, kobrador noon ang lolo ko. Madalas din siyang magluto ng bigas na madaming tubig na may asin na kinakalabasan ay lugaw, hindi ako kumakain noon kaya sinasabihan niya akong maarte pero hindi niya ako matiis, binibigyan niya ako ng dagdag na baon para sa school nalang mag almusal, bente ang baon na binibigay niya saken. Yung asawa naman ng tito ko ang nabili ng mga kaylangan ko at binilhan niya din ako ng alkansya, binibigyan niya ako ng sampung piso araw-araw na panghulog doon. Nagkaroon ako ng dalawang medyo mahabang peklat sa magkabilang tuhod ko, yung isa ay nangyari noong sumasabay ako sa kapatid ng mama ko sa paghahakot ng gamit sa bahay namin sa San Rafael, nadali ako sa barbwire, palakat na ako ng iyak noon, yung isa naman ay nadali ako sa tornilyo sa bike habang ginagamit ko yung bike ng mga pisan ko.
Noong grade 5 na ako ay lumipat na ako ng school sa Bagong Lipunan Elementary School. Ginamit ko yung ipon ko pambili ng gamit ko sa school. Bago pa kami makapasok ay natawid pa kami ng ilog dahil doon ang shortcut papunta sa school namin. Nakagat ako na aso sa kapitbahay sa kamay dahil may hawak akong tinapay, bago pa ako naturukan noon ay grabeng iyak baka ako at pati gwardiya ay hinahawakan na ako para maturukan. Naospital ako noon dahil sa ulcer ko at typoid, inip na inip ako noon sa ospital, masmatagal pa ang tinutulog ko kesa sa gising ako. Namatay ang lolo ko, sobrang lungkot ko. Dun ko lang nakitang humahagulgol ang papa ko sa pag iyak. Nagkaroon ulit ako ng karangalan noong sumali ako sa MTAP, lahat daw ay pwedeng magtry na magtest para malaman kung sino ang mga best MTAP'ers, kaya nagtry ako, hindi ko akalain na sa score kong 7/20 ay magiging panglima ako. Madalas na din akong isali noon sa journalism. Nakasali din ako sa football game dahil pinilit ng mga teachers na isali ako sapagkat dragon naman daw ako, kayang kaya ko daw yun. Pang-sub lang ako noon pero nung ako ay grade 6 na ako na ang forward, ako na yung nakikipag-agawan ng bola. Lagi kaming champion pero hindi kami pwedeng maging STACAA dahil wala ng babae ang naglalaban-laban sa football don. May dalawa na rin ako noong manliligaw, si Carl Lionell Gonzales at si Reyuel Lorenzo. Kwento ng mga kaklase ko ay lagi daw akong pinag aawayan nung dalawa sa manggang kuba na malapit lang sa school namin. Kung ano-ano binibigay nung dalawa saken, pinagsusulat pa nga ako noon ng lecture ni Reyuel pero hindi ko pinapansin noon ang pagtatangi nila saken. Sa best friend ko naman sila nagkagusto, muse siya noon, siya si Abigail Gigante, pero sinabi saken ni Reyuel na mas gusto pa rin niya ako. Nagsabihan kami noon ng crush sa pamumuno ng guro namin na si Mrs. Almira Mitra. Ang sinabi ko ay si Aljay Llagas, dahil humahanga ako sa kanya sapagkat nakikita ko sya tuwing umaga na nagtitinda ng pandesal para lang may maibaon. |
|
gumaradweyt ako nung elementary |
Pinuri naman ako ni ma'am sa angkin ko daw kagandahan pero binalaan niya ako na 'wag daw lalaki ulo ko na sya namang sinunod ko. Pinuri ulit ako ng coach namin sa football na si Sir Egay De Guzman nung nakita yung picture ko na nakatoga, pinagtabi picture naming dalawa ni Reyuel, ipinakita sa aming klase. Bago mag bagong taon ay nasagasaan ako ng tricycle dahil nasa labas kami at sabay-sabay sanang sisindihan ang hawak naming magpipinsan na picollo, akin nalang ang hindi nakasindi kaya itinapon ko nalang ito sabay tawid, biglang daan naman ng tricycle kaya nasagasaan ako pero hindi na ako nagpadala sa ospital. Nakatalon pa rin ako nung bagong taon. Pinanlaban ako sa science, dalawa kami noon, pero hindi kami pinalad, hindi ko kasi gusto ang subject na yun sa simula't sapul pa lamang. Dancer din ako ng school namin at nasayaw kami sa iba't ibang school sa distrito namin, ako ang laging nasa unahan. Gumaradweyt akong may sabit, subalit special mention lang ako.
|
Allysa, Erissa at ako |
Kinakabahan ako noong nag eenrol na ako ng high school sa Dizon High Memorial National High School, nakita ko doon si Sir Lacsam, akala ko ay bakla siya nun pero naging guro ko siya nung first year sa subject na Filipino. I-B ako noon, sa kanya ako natutong maggawa ng tula at kung pano ito bigkasin ng maayos. Naging player din ako ng track and field dahil sinali ako nung tito ni papa na si Sir Laiño kaso mas mabilis pa siyang tumakbo kesa saken kaya pinasiya ko nang huminto na lamang. Nakamit naming ang unang krangalan sa sabayang bigkasan. Naging top 7 ako sa seksiyon namin, kaya naman noong second year na kami ay naging A na ako. Siyam kaming napapunta sa A. Naging Flerida ako sa play namin na Florante at Laura. Naging member din ako ng youth na Y4JDL (Youth 4 Just and Dynamic Laguna) youth ito ni Joey Lina. Ako ang muse ng youth na iyon at ang naging kapareha ko ay yung kuya ni Junnie Lyod na si Joseph Agozar. Madami kaming naging activities noon, may sportfest, feeding program din sa mga piling lugar, nagkaroon kami ng christmas party sa Tagaytay na naging isa sa mga masasayang karanasan sa buhay ko. Nang dahil sa youth na iyon nagkaroon ako ng dalawang best friend, si Allysa Juinio at Erissa Tan, magpinsan sila at sila ay nakatira sa Kuligligan kaya naman naging madalas na ako sa kanilang lugar, minsan ay dun na ako natutulog. Nagkaroon ako doon ng ilang manliligaw, pero dalawa lang sinagot ko dun. Nakasali din ako sa christmas party ng lugar nila, ako lang ang dayo doon. Pinasali nila ako sa ilang mga laro, isa na doon ay yung pagalingang sumayaw, dalawa kaming nanalo. Lalong dumami mga taga hanga ko doon. Karaniwang nakuha kong premyo ay panty. Dumating sa punto na meron na kaming di napagkakasunduan ng mga kaybigan ko kaya naman naisip ko nalang na lumayo muna ako sa kanila. Napapadalas ang pag cucutting ni Allysa kaya nung isang beses pa niyang ginawa iyon ay naisip ko nang isumbong siya sa aming adviser. Lalo siyang nagalit saken at kung ano-ano sinabi niya saken na nagpasakit sa damdamin ko kaya pinabasa ko ito sa adviser naming na si Mrs. Liay. Naging kasama na rin niya yung mga naiinsecure na babae saken sa aming youth lalo na yung si Yukie na inexpect niya na siya ang magiging muse. Tumindi lalo na nung nalaman nila na may gusto saken mga bf nila kaya naman ako ay sinugod nila dun sa dating cococat, buti nalang walang naganap na gulo dahil lahat na II-A ay nasa likuran ko lang. Laking tuwa ko noon na nandiyan lang sila sa likod ko. Sabi ko nalang sa kanila bf nila ang pagsabihan nila kasi ako wala naman akong inyeres sa mga tambay lang. Nadala si Allysa sa guidance noong nalaman ng adviser namin ang lahat ng kaganapan, laking pasasalamat ko ay naayos din iyon pero nagkakailangan na kami ni Allysa noon pero ngayon ay ayos na naman kami. Nakakasali din ako sa mga bigkasan ngunit sa kasamaang palad hindi ako nananalo dahil kulang pa ako sa lakas ng loob at ensayo, lagi akong nabubulol. Noong third year ay nagvolunteer ako sa CAT, ngunit hindi ako naging matatag sa mga pagsubok saken. Ang mga officer ang naging dahilan kaya ipinasya ko ng huminto, hindi ko nagustuhan ang ugali nila.
|
grupo namin nung shindig |
Nanalo din kami sa shindig, nagkamit kami ng unang karangalan na may kalakip na apat na libo. Naging bf ko din yung chorio namin, humanga daw siya saken noong labanan na, ako daw pinaka magaling. Kasabay niya yung pinsan niya na taga Wawa na ipinakilala saken ng kadancer ko na si Jheng noong bisperas ng pasko. Noong una ay ayoko sa kanyang ibigay # ko pero nagbago isip ko, kinuha k okay Jheng yung # niya. Hindi ko alam noong una na mag pinsan sila, kaya naman nung nalaman nilang dalawa ay pinasya ko ng mamili sa kanilang dalawa. Ang pinili ko ay yung taga Wawa na kung tawagin ay Bhe-bhe. Tatlong buwan lang itinagal naming dahil dumating sa buhay ko ang isang ROBERT STEEVE ALINIOS.
|
ako, si Thim at c Vj |
Kilala ko na siya dati pero hindi kami close. Ang daddy niya ang naging dahilan kung bakit kami nagkalapit dahil din sa kagustuhan ng daddy niya. Daddy niya ang may-ari nung malawak na lupa malapit sa amin, yung lupa naman namin ay nabili ni papa sa kapatid niya. Sinama ko si Thim kung tawagin sa concert, kung saan si Ivy ay kagrupo ko na buntis na pala noon kaya lagi siyang nahihilo sa mga praktis namin. Si Thim lang ang naipakilala ko sa mga magulang ko at siya lang yung bukod tanging kinamayan ng papa ko, napangiti ako ng palihim. Natanggal yung buhol ng damit ko kaya naman nakita ng lahat ang bra ko kabilang doon si Thim. Inayos ko ito sa gilid ng stage, nung pagbalik ko sa gitna ay hinataw ko lalo, sinisigaw ng mga nanonood pangalan ko. Paglabas naming ng campus ay maraming bumati saken at madami ding papuri ang narinig ko mula sa kanila. Kasama naming noon ang kapatid ko at ang best friend ko na si Vj.
|
Vj (bff ko) at ako |
Nilibre kami ni Thim ng snack sa 7’11, kung hindi pa kami sitahin ng guwardiya ay di pa naming maiisipang umuwi. Pero hindi kami nagkatuluyan ni Thim dahil nagkabalikan sila ng ex niya. Bago ako matapos ng third year ay nawalan ng trabaho ang papa ko at nakatanggap lamang siya ng limampung libong piso sa paglilingkod niya sa Imperial Appliances Plaza na mahigit sampung taon. Nagkaron din sila ng hindi pagkakaunawaan ng mama ko kaya pumunta noon si mama sa Antipolo at ako ang umako ng mga trabaho sa bahay na dapat ay siya ang nagawa katulad na lamang ng paglalaba, pamamalantsa, pag aasikaso sa mga kapatid kong papasok at kung ano-ano pa, kaya naman ay ito ang naging dahilan kung bakit ako laging absent noon. Bumili ang papa ko ng baboy para kahit papano ay may ikabubuhay kami. Nagpakamatay din ang tito ko dahil sa paghihiwalay nila ng asawa niya pero sabi saken ng tita ko ay may balak pa naman daw siyang bumalik, pero huli na ang lahat, galit na sa kanya ang buong angkan namin. Binigyan lamang siya ng kulang-kulang sampong minuto para masilyan ang tito ko. Bumalik din sa amin si mama. Masaya ang naging bakasyon ko ngayon dahil nakapunta ako sa Bicol, sinama ako ng lola ko, kasama ko rin ang mama ko. Nagkaron ako ng madaming taga hanga doon, kung ano-ano binibigay nila saken kaya naman para akong prinsesa doon. May naging matalik din akong kaybigan doon, may mga natutunan din akong mga salitang galling sa kanila. Madalas din akong dumalo kapag may mga sayawan doon, madaming pumuri saken kahit mga matatanda. Nung pauwi na kami ay dumeretso pa rin ako sa Antipolo kasama ko lola ko. Pumunta naman kami sa Marikina, ilang araw lang kami doon. Nakita ko ang kaibahan ng mga kabataan sa Marikina sa mga kabataan sa Bicol. Si tita sana magpapaaral saken ngayong fourth year pero hindi pumayag papa ko, gusto niyang makabawi samen. Kay kuya Angelo ako nakatira nung umpisa dahil hindi kayang buhayin ng mga magulang ko ang dalawang high school at dalawang elementary. Nung nagloko ang kapatid ko sa pag aaral at naipasyang tumigil na siya, ako ay umuwi na sa amin. Madami na naman akong hirap na naranasan pero kinakaya ko pa rin, ayokong sumuko. Hindi ako nakakuha ng test sa PUP dahil sa kakapusan sap era. Madaming karangalang nakamit ngayon ang IV-A. Sa ngayon ay may trabaho na ang papa ko kaya medyo nakakabawi na kami. Sa ngayon din ay may lalaki akong pinakamamahal, kahit alam kong bawal o hindi pwede. Handa na ako sa anomang pwedeng mangyari. Mag lilimang buwan na kami at hindi koi to pinagsisihan sapagkat sobra-sobra ang saya ang nararamdaman ko kahit pa madaming tutol at madami din nagiging problema, basta ang alam ko mahal na mahal ko siya pero kahit papano ay alam ko ang limitasyon ko. Ngayong bakasyon ay balak kong magtrabaho upang may maitulong ako sa mga magulang ko at para makapag aral din ako. Ito ang pagtatapos ng kwento ko, pero hindi dito nagtatapos ang buhay ko, patuloy akong lalaban sa mga pagsubok ng buhay upang makamit ko ang aking mga pangarap sa buhay.
|
Wilyn Balitaan |
No comments:
Post a Comment