Sunday, February 20, 2011

Talambuhay ni Jelaisa Alcantara (Ang makulit pero masayang kasama)

     
Ako si Jelai


  Ako si Jelaisa Sanchez Alcantara, tinatawag ding Sasa at  Jelai. Ipinanganak noong Pebrero 26, 1995 sa San Pablo City. Bininyagan noong Abril 25, 1995. Ang aking mga magulang ay sina Monlieta S. Alcantara isa maybahay at si Nilo S. Alcantara isang driver at barangay tanod, anim kaming magkakapatid ang dalawa ay may sarili nang pamilya. Simula pagkabata malikot na talaga ako kaya lagi akong napapalo nang aking mama, lagi din akong tumatakbo sa kalsada kasama ang aking mga kalarong babae at lalaki.habang ako’y lumaki ay nagiging masaya naman at puro pangaral ng aking mga magulang.






Elementary Class Picture

  Limang taong gulang akong magsimulang mag-aral sa paaralan ng San Marcos Elementary School. Pagkawala kaming ginagawa sa eskwelahan lagi kaming naglalaro ng sikyo, chinese garter, jackstone, sayawan, at iba pa,minsan pa nga pag naulan naglalaro pa rin kami nagtatampisaw sa tubig , naliligo sa ulan kaya pag-uwi ko basang-basa ako sa ulan, kaya lagi akong napapagalitan napakakulit  ko daw hindi daw ako marunong makinig sa aking magulang.
Noong  ako’y nang mag Grade I mahilig akong sumali sa mga sayaw  at sa mga kamping , sumali din ako sa soccer kaso umayaw din ako tulad din ng dati lagi pa rin akong naglalaro, hindi naman kasi maiiwasang maglaro kasi nakahiligan ko na yon. Noong ako naman ay nag Grade V na ang akin namang nakahiligan ay sports una sumali ako sa volley ball at taekwondo, kaso umayaw ka agad ako. Niyaya naman ako ng guro ko na sumali sa swimming agad naman akong pumayag ang tagal din naming nagtraining marami akong nakilalang tao sa iba’t ibang school pero hindi ako umabot sa laban kasi umayaw bigla ang mga kasamahan ko kaya umayaw na rin ako.



Kasama ko ang aking pamilya
  Naging mahirap din ang pamumuhay namin kasi yung bahay namin ay may isa pang kadusong na bahay doon naman nakatira ang tita, lolo, mga pinsan at ang tiyo kopwede silang mag labas pasok sa bahay namin pero pwede din naman kaming mag labas pasok sa kanila kasi may pinto sa may kwarto namin papunta sa kanila. Ang tiyo kong nakatira doon ay may pahed o sira sa ulo, minsan may pahed minsan naman at wala pag ayon ay may pahed lagi siyang galit sa tatay ko hindi naman namin alam kung bakit wala naman kasing ginagawang masama ang tatay ko sa kanya,minsan pa nga hindi kami makatulog ng maayos lalo na ang mama ko kasi tuwing gabi napaka ingay ng tito ko lagi nalang nagmumura minsan pa nga napasok sa bahay namin na may hawak na malaking itak kaya hindi kami masyadong makatulog, pagka minsan nanghihingi siya ng pagkain pagka wala kaming maibigay o kakaunti ang aming binigay siya pa ang galit tapos nagmumumra pa minsan pa nga tinututok sa amin yung itk na dala niya. Hindi naman namin mapakulong o madala sa mental kasi ayaw ng lolo ko. Noong Marso 2004 may nangyaring hindi namin inaasahan nasa kasalan kaming lahat, umunang umuwi ang tatay ko at dalawa kong kapatid maya maya ang daming tao sa tapat ng bahay namin wala kaming kaalam alam na nasaksak na pala ang tatay ko at kapatid ko naunang naisugod ang kapatid ko saka palang ang tatay ko kasi wala makapasok sa bahay namin kasi nagwawala parin ang tiyo ko ang isa ko lang kapatid ang naglakas loob kaya naisugod ang tatay ko sa ospital. Sa awa ng Diyos nakaligtas silang pareho. Nakulong naman ang tiyo ko pero hindi iyon nagtagal agad siyang nakalaya dahil sa lolo ko. Sa nangyaring insedente napilitan kaming lumipat sa isang maliit na bahay ng tatay ko.Pero nahirapan kami manirhan doon kaya bumalik ulit kami doon sa dati naming bahay pero pag nagkakapahed ulit ang tiyo ko kami na yung umiiwas kaya ilang beses kaming palipat lipat ng bahay.

  Noong ako naman ay Grade VI napaka tamad kong magsulat pero lagi naman akong nakakasagot sa recitation, lagi din akong nakakasama sa top 10. Tapos sumali ulit ako sa volley ball hindi ko naman alam na isinali pala ako ng guro ko sa taekwondo kaya noong district meet dalawa ang sports ko buti nalang wala kaming kalaban sa taekwondo kaya nakalaro ako sa volleyball nanalo naman kami 2nd place.tapos nakasali kaming lahat ng manlalaro sa taekwondo sa division meet, nagtraining kaming mabuti para manalo naging kategori 6 ako nanalo naman ako kahit 2nd place. Pagkatapos noon ang akin namang pinagkabalahan ay ang pagsali ko sa reading comprehension yan ang huli kong sinalihan noong ako ay elementary kasi malapit na kaming magtapos ng elementary puro pagpapraktis nalang ang ginagawa namin. Naging honor student ako, masaya ang nararamdaman ko dahil maghihigh school na ako, pero malungkot din kasi magkakahiwa-hiwalay na kaming magkaklase  at magkakaibigan



High School Class Picture
  Nang ako’y maghihigh school na sa Col. Lauro D Dizon Memorial National High School ako pumasok una kinakabahan ako kasi panibagong kaibigan, kaklase, at guro, agad naman akong nagkaroon ng kaibigan.Madali naman silang pakisamahan. Nung 1st year section A ako bawat isa naman sa amin ay may pagkakaisa at pakikisama kada may sasalihan kaming contest minsan lagi kaming tinatamad mag praktis tapos ang gulo gulo pa pag nag papraktis  pero pag malapit na ang laban palang kaming nag-aayos minsan nanalo kami minsan naman hindi. Ang madalas kong ginagawa ay pasok sa umaga pag minsan pag awas nag gagala pumupunta sa bahay ng kaibigan pagka sinisipag nag-aaral ako pag-uwi nood din ng T.V ilan lang yan sa madalas kong ginagawa, ako kasi yung tipo ng tao na ang hilig ay paglilibang ang ginagawa.


jelai,junnie,krislyn,zsarene,cj
  Simula 1st year hanggang 4th year ay section A ako marami ako ginagawang kalokohan, lagi din nakikipagkulitan sa mga kaklaseA at mga kaibigan. Sumali din ako sa Sudoko noong ako ay 2nd year ang saya nga kasi nanalo ako ng 1st place nakikiisa naman ako pag may sinasalihan kaming contest ng buong section, lagi kaming napapagalitan kasi napagulo daw namin at napaka ingay namin ang hindi ko malilimutan ay noong sumama ako sa JS from namin naging masaya kasi ang mga pangyayari nung JS.Noong ako ay 4th year na naging magulo ang aming pamilya lagi nalang nag-aaway ang aking mga magulang madalas kasi magkasakit ang aking ama kaya hindi siya maka pag trabaho. Nakadami kasing sakit ng tatay ko dahil sa paninigarilyo, pag-iinom at dahil doon sa nangyari sa kanya nung siya ay nasaksak  dahil diyan kaya napakadaming sakit ng tatay ko.lagi nga ng mama ko na tumigil na daw ako sa pag-aaral kasi hindi nadaw niya akong pag-aralin pero hindi ako pumayag sabi ko sayang naman yung taon at saka nasimulan ko nang mag 4th year buti nalang pumayag ang mama ko na wag na kong tumigil kaya ngayon isa na ko sa mga magsisipag tapos ng high school at napaka saya ko dahil sa sipag at tiyaga ng aking mga magulang makakatapos na ko ng high school.Sa mga nakakakilala sa akin ako yung taong masayahin, matulungin, masarap at marunong makisama .

Ang Buhay ng Isang WILYN BALITAAN (ang panganay)

           Bago ko simulan ang kwento ng buhay ko hayaan niyo munang ipakilala sa inyo ang aking sarili..
nung ako'y wala pang isang taong gulang.

           Ako si Wilyn Patag Balitaan, kung tawagin sa amin ay "Wilen" at yung iba naman ang basa sa pangalan ko ay "Waylin" at may ilan namang ang pakinig sa pangalan ko ay "Winnie", "Milen", at kung ano-ano pa. Ako ay ipinanganak noong Agosto 19, 1994 sa San Pablo City Hospital. Ang aking mga magulang ay sina Wilfredo Laiño Balitaan at Josephine Patag Balitaan. Ako ang panganay sa aming apat na magkakapatid pero may dalawa pa akong kapatid sa una, kapwa sila lalaki, isa sa nanay ko, siya si Joseph Patag at isa din sa tatay ko, siya si Angelo Balitaan. Ang mga tunay kong kapatid ay sina Wilfredo Jr., Winston at si Wilfhine.
          
          Ito ang kwento ko..
   
swimming namin.
          Noong ako ay bata pa, sa Cornista St., City Subd kami nakatira kung saan ay yung bahay na iyon ang kinagisnan naming bahay, ang taas ay yari sa kahoy at ang ibaba naman ay sementado. Malawak ang aming bakuran na may mga puno pa at may tanim din ang lolo ko doon na okra dahil si lolo ay may bahay na maliit sa tapat namin na sakop naman ng inuupahan namin, sa likod naman ay may kulungan ng panabong na manok, may duyan din samin kaya naman ay madalas kong niyayaya ang mga kalaro ko kaya naman ako ay laging napapagalitan ng aking nanay kapag ang mga kalaro ko ay yung mga batang taga loobanna tinatawag nilang "yagit". Kaya nga ba't ako ay laging sinasama ng mama ko sa kanyang kaybigan na si Tita Cora na kapitbahay lang din namin kung saan ang mga kapatid kong lalaki ay doon naglalaro, ang kalaro nila ay yung bunsong anak ni Tita Cora na si Mj. May dalawang dalagitang kapatid si Mj pero hindi ko sila kasundo, minsan lang kapag nagpapasama sila sakeng bumili o di kaya'y pag nasa mood sila, madalas ay tinatarayan nila ako kaya si Mj lang din ang kalaro ko. Kalaro ko din dati yung pinsan niyang si Jerome Gunday na naging kalahok ng Lakan at Mutya ng San Pablo na nag-uwi ng ilang parangal pati yung dalawa niyang kapatid ay nakakalaro ko din. Madalas ay kaaway ko yung bunso niyang kapatid na babae, nagpapagalingan kaming sumayaw pero lagi akong natatalo sapagkat marunong siyang magsplit na gumigiling pa, samantalang ako ay bending at giling lang ang alam. Inuulot kaming dalawa nung dalawang dalagitang kapatid ni Mj, sa kanya kampi yung dalawa. Isang gabi naman ay nasa kanila pa kami tapos ay lumabas kami nila Mj ng bahay nila, nakita namin yung mga batang yagit kabilang doon si Vanessa, itong si Mj ay may taglay na kalokohan, inulot kaming dalawa kaya naman kami ay nag-away na nauwi sa sabunutan. Natalo ko siya dahil naihiga ko siya sa lupa at pinatungan ko pa habang sinasabunutan. Simula noon ay hindi na ako muling nakadaan sa looban. Noong naglalaro naman sila Mj at ang dalawa kong kapatid ng baril-barilan ay nakisali ako, umuwi ako nang naiyak sapagkat ako ang binabaril nila kaya napagalitan yung dalawa kong kapatid. Minsan ay nasa kwarto lang nila kami, naglalaro ng playstation, dun ata ako nahalikan ni Mj sa labi, hindi ko lang tanda kung anong naging reaksyon ko nun. Nagkaroon din kami ng outing kasama ang family nila Mj at nina Jerome at madami pang iba na hindi ko na tanda kung sino-sino, Villa Del Frado ata pangalan ng resort na yun. Maganda ang resort na iyon may dagat pa kaya naman sila ay nagdesisyong mamangka kasama kami, naiwan ang tsinelas ko dun sa pinuntahan namin kaya hindi na namin nabalikan.  
noong ako nagtapos sa Kinder
          Magkasabay kami ng kapatid kong sumunod sa pag aaral na si Wilfredo na kung tawagin ay "Tilas" dahil daw laging nakatirik ang buhok, marami siyang naging palayaw. Isang taon lang ang tanda ko sa kanya. Ganado akong pumasok noon, dahil sa baon. Ako ay kasali sa honors nung kinder. Nung pumarada kami nung nutrition month may dala kaming basket na may mga lamang prutas at gulay na naging dahilan ng pagkakadapa ko kaya habang naparada kami ay iyak ako ng iyak. Nung grade 1 ay sa San Roque Elementary School kami pumasok, magkaklasi pa rin kami ni Tilas. Tinusok ako ng lapis ako ng kaklase kong lalaki ng lapis sa likod na naging dahilan ng unang pagsugod ng aking nanay sa school at napagsabihan yung kaklasi ko ng mama ko, at napalo naman siya ng patpat ng guro ko na si Ms. Gina Belen, uso pa noon yung pamamalo ng patpat, yung pinapatilyahan ang estudyante at hinuhubuan din. Simula noon ay naging mabait na saken yung kaklase kong iyon, siya na ang nagtatanggol sakin pag may nakakaaway ako sa school, lagi niyang tinatakot na papagalitan daw sila ng mama kong mataray. Naging third honor ako noon at nagkaribbon din na best dancer. Noong grade 2 naman kami ay may pumuntang dentista sa school namin kaya pinabunot ko na yung bulok kong ngipin. Magkaklase pa rin kami ng kapatid ko pero lagi kaming nag aaway, lagi niya akong sinasabunutan pero hindi ako makalaban sa kanya kaya lagi akong naiyak kaya naman nung grade 3 kami ay hindi na kami magkaklase. Buntis ang mama ko sa bunso namin noong namatay ang kanyang ama sa Antipolo. Natapos ko ang ikalawang baitang na may nakamit, ngunit achiever nalang ako. Nang kami ay grade 3 na ay lumipat na kami ng bahay sa kanto ng Cornista dahil yung inuupahan namin noon ay gagawin nang apartment. Simula noong naghiwalay na kami ni Tilas ng section ay lagi na akong pinapatawag ng kanyang titser dahil nang aaway siya ng kapwa kamag aral at minsan pa ay practice teacher. Kapag nagtetest kami o kaya'y nag i'spelling ay pinakokopya ko yung katabi kong transfer lang sa school namin na crush ko naman.
family picture namin, wala pa yung bunso kong kapatid
.Hindi na ako nagkasabit noon. Nung grade 4 na ako ay lumipat na kami sa San Rafael kung saan nakabili ang papa ko ng lupa at pinatayuan niya ng simpleng sementadong bahay, hindi pa tapos noon yung bahay nung kami ay lumipat, hanggang ngayon ay hindi pa siya natatapos kaya inilagay ko sa isip ko na ako ang magtatapos nun. Hindi ako nakatagal doon sapagkat walang koryente doon dahil malayo sa kalsada, ang tubig ay sa poso pa, ang inumin naman ay sa bukal, medyo malapit lang kami sa ilog kaya doon din kami naglalaba, minsan ay sa bukal. Sa tiyuhin ko ako nakatira noon, sa likod ng school na pinapasukan namin kaya pag papasok ako noon ay naliban lang ako sa mababang bakod dun. Doon na din nakatira lolo ko, siya ang nag papabaon sa akin noon, siya din taga gising ko tuwing umaga. Tuwing gabi ay pinapasalubungan niya kaming tatlong magpipinsan. May anak tito ko na dalawang babaeng maldita, kahit nakakatanda ako sa kanila ay napapaiyak nila ako dahil nakikitira lang ako sa kanila ay hindi ko sila nilalabanan. Minsan ay nagpapahilot sa akin ang lolo ko pero naangal ako kasi ang baho nung panghilot, langis na may bawang at kung ano-ano pa kaya naman minsan ay hindi niya ako pinapasalubungan kaya napipilitan akong hilutin siya at ako din taga lista ng lotto na inaanunsyo sa tv, kobrador noon ang lolo ko. Madalas din siyang magluto ng bigas na madaming tubig na may asin na kinakalabasan ay lugaw, hindi ako kumakain noon kaya sinasabihan niya akong maarte pero hindi niya ako matiis, binibigyan niya ako ng dagdag na baon para sa school nalang mag almusal, bente ang baon na binibigay niya saken. Yung asawa naman ng tito ko ang nabili ng mga kaylangan ko at binilhan niya din ako ng alkansya, binibigyan niya ako ng sampung piso araw-araw na panghulog doon. Nagkaroon ako ng dalawang medyo mahabang peklat sa magkabilang tuhod ko, yung isa ay nangyari noong sumasabay ako sa kapatid ng mama ko sa paghahakot ng gamit sa bahay namin sa San Rafael, nadali ako sa barbwire, palakat na ako ng iyak noon, yung isa naman ay nadali ako sa tornilyo sa bike habang ginagamit ko yung bike ng mga pisan ko.
 Noong grade 5 na ako ay lumipat na ako ng school sa Bagong Lipunan Elementary School.  Ginamit ko yung ipon ko pambili ng gamit ko sa school. Bago pa kami makapasok ay natawid pa kami ng ilog dahil doon ang shortcut papunta sa school namin. Nakagat ako na aso sa kapitbahay sa  kamay dahil may hawak akong tinapay, bago pa ako naturukan noon ay grabeng iyak baka ako at pati gwardiya ay hinahawakan na ako para maturukan. Naospital ako noon dahil sa ulcer ko at typoid, inip na inip ako noon sa ospital, masmatagal pa ang  tinutulog ko kesa sa gising ako. Namatay ang lolo ko, sobrang lungkot ko. Dun ko lang nakitang humahagulgol ang papa ko sa pag iyak. Nagkaroon ulit ako ng karangalan noong sumali ako sa MTAP, lahat daw ay pwedeng magtry na magtest para malaman kung sino ang mga best MTAP'ers, kaya nagtry ako, hindi ko akalain na sa score kong 7/20 ay magiging panglima ako. Madalas na din akong isali noon sa journalism. Nakasali din ako sa football game dahil pinilit ng mga teachers na isali ako sapagkat dragon naman daw ako, kayang kaya ko daw yun. Pang-sub lang ako noon pero nung ako ay grade 6 na ako na ang forward, ako na yung nakikipag-agawan ng bola. Lagi kaming champion pero hindi kami pwedeng maging STACAA dahil wala ng babae ang naglalaban-laban sa football don. May dalawa na rin ako noong manliligaw, si Carl Lionell Gonzales at si Reyuel Lorenzo. Kwento ng mga kaklase ko ay lagi daw akong pinag aawayan nung dalawa sa manggang kuba na malapit lang sa school namin. Kung ano-ano binibigay nung dalawa saken, pinagsusulat pa nga ako noon ng lecture ni Reyuel pero hindi ko pinapansin noon ang pagtatangi nila saken. Sa best friend ko naman sila nagkagusto, muse siya noon, siya si Abigail Gigante, pero sinabi saken ni Reyuel na mas gusto pa rin niya ako. Nagsabihan kami noon ng crush sa pamumuno ng guro namin na si Mrs. Almira Mitra. Ang sinabi ko ay si Aljay Llagas, dahil humahanga ako sa kanya sapagkat nakikita ko sya tuwing umaga na nagtitinda ng pandesal para lang may maibaon.
gumaradweyt ako nung elementary
 Pinuri naman ako ni ma'am sa angkin ko daw kagandahan pero binalaan niya ako na 'wag daw lalaki ulo ko na sya namang sinunod ko. Pinuri ulit ako ng coach namin sa football na si Sir Egay De Guzman nung nakita yung picture ko na nakatoga, pinagtabi picture naming dalawa ni Reyuel, ipinakita sa aming klase. Bago mag bagong taon ay nasagasaan ako ng tricycle dahil nasa labas kami at sabay-sabay sanang sisindihan ang hawak naming magpipinsan na picollo, akin nalang ang hindi nakasindi kaya itinapon ko nalang ito sabay tawid, biglang daan naman ng tricycle kaya nasagasaan ako pero hindi na ako nagpadala sa ospital. Nakatalon pa rin ako nung bagong taon. Pinanlaban ako sa science, dalawa kami noon, pero hindi kami pinalad, hindi ko kasi gusto ang subject na yun sa simula't sapul pa lamang. Dancer din ako ng school namin at nasayaw kami sa iba't ibang school sa distrito namin, ako ang laging nasa unahan. Gumaradweyt akong may sabit, subalit special mention lang ako.

Allysa, Erissa at ako


          Kinakabahan ako noong nag eenrol na ako ng high school sa Dizon High Memorial National High School, nakita ko doon si Sir Lacsam, akala ko ay bakla siya nun pero naging guro ko siya nung first year sa subject na Filipino. I-B ako noon, sa kanya ako natutong maggawa ng tula at kung pano ito bigkasin ng maayos. Naging player din ako ng track and field dahil sinali ako nung tito ni papa na si Sir Laiño kaso mas mabilis pa siyang tumakbo kesa saken kaya pinasiya ko nang huminto na lamang. Nakamit naming ang unang krangalan sa sabayang bigkasan. Naging top 7 ako sa seksiyon namin, kaya naman noong second year na kami ay naging A na ako. Siyam kaming napapunta sa A. Naging Flerida  ako sa play namin na Florante at Laura. Naging member din ako ng youth na Y4JDL (Youth 4 Just and Dynamic Laguna) youth ito ni Joey Lina. Ako ang muse ng youth na iyon at ang naging kapareha ko ay yung kuya ni Junnie Lyod na si Joseph Agozar. Madami kaming naging activities noon, may sportfest, feeding program din sa mga piling lugar, nagkaroon kami ng christmas party sa Tagaytay na naging isa sa mga masasayang karanasan sa buhay ko. Nang dahil sa youth na iyon nagkaroon ako ng dalawang best friend, si Allysa Juinio at Erissa Tan, magpinsan sila at sila ay nakatira sa Kuligligan kaya naman naging madalas na ako sa kanilang lugar, minsan ay dun na ako natutulog. Nagkaroon ako doon ng ilang manliligaw, pero dalawa lang sinagot ko dun. Nakasali din ako sa christmas party ng lugar nila, ako lang ang dayo doon. Pinasali nila ako sa ilang mga laro, isa na doon ay yung pagalingang sumayaw, dalawa kaming nanalo. Lalong dumami mga taga hanga ko doon. Karaniwang nakuha kong premyo ay panty. Dumating sa punto na meron na kaming di napagkakasunduan ng mga kaybigan ko kaya naman naisip ko nalang na lumayo muna ako sa kanila. Napapadalas ang pag cucutting ni Allysa kaya nung isang beses pa niyang ginawa iyon ay naisip ko nang isumbong siya sa aming adviser. Lalo siyang nagalit saken at kung ano-ano sinabi niya saken na nagpasakit sa damdamin ko kaya pinabasa ko ito sa adviser naming na si Mrs. Liay. Naging kasama na rin niya yung mga naiinsecure na babae saken sa aming youth lalo na yung si Yukie na inexpect niya na siya ang magiging muse. Tumindi lalo na nung nalaman nila na may gusto saken mga bf nila kaya naman ako ay sinugod nila dun sa dating cococat, buti nalang walang naganap na gulo dahil lahat na II-A ay nasa likuran ko lang. Laking tuwa ko noon na nandiyan lang sila sa likod ko. Sabi ko nalang sa kanila bf nila ang pagsabihan nila kasi ako wala naman akong inyeres sa mga tambay lang. Nadala si Allysa sa guidance noong nalaman ng adviser namin ang lahat ng kaganapan, laking pasasalamat ko ay naayos din iyon pero nagkakailangan na kami ni Allysa noon pero ngayon ay ayos na naman kami. Nakakasali din ako sa mga bigkasan ngunit sa kasamaang palad hindi ako nananalo dahil kulang pa ako sa lakas ng loob at ensayo, lagi akong nabubulol. Noong third year ay nagvolunteer ako sa CAT, ngunit hindi ako naging matatag sa mga pagsubok saken. Ang mga officer ang naging dahilan kaya ipinasya ko ng huminto, hindi ko nagustuhan ang ugali nila.
grupo namin nung shindig
 Nanalo din kami sa shindig, nagkamit kami ng unang karangalan na may kalakip na apat na libo. Naging bf ko din yung chorio namin, humanga daw siya saken noong labanan na, ako daw pinaka magaling. Kasabay niya yung pinsan niya na taga Wawa na ipinakilala saken ng kadancer ko na si Jheng noong bisperas ng pasko. Noong una ay ayoko sa kanyang ibigay # ko pero nagbago isip ko, kinuha k okay Jheng yung # niya. Hindi ko alam noong una na mag pinsan sila, kaya naman nung nalaman nilang dalawa ay pinasya ko ng mamili sa kanilang dalawa. Ang pinili ko ay yung taga Wawa na kung tawagin ay Bhe-bhe. Tatlong buwan lang itinagal naming dahil dumating sa buhay ko ang isang ROBERT STEEVE ALINIOS.
ako, si Thim at c Vj
 Kilala ko na siya dati pero hindi kami close. Ang daddy niya ang naging dahilan kung bakit kami nagkalapit dahil din sa kagustuhan ng daddy niya. Daddy niya ang may-ari nung malawak na lupa malapit sa amin, yung lupa naman namin ay nabili ni papa sa kapatid niya. Sinama ko si Thim kung tawagin sa concert, kung saan si Ivy ay kagrupo ko na buntis na pala noon kaya lagi siyang nahihilo sa mga praktis namin. Si Thim lang ang naipakilala ko sa mga magulang ko at siya lang yung bukod tanging kinamayan ng papa ko, napangiti ako ng palihim. Natanggal yung buhol ng damit ko kaya naman nakita ng lahat ang bra ko kabilang doon si Thim. Inayos ko ito sa gilid ng stage, nung pagbalik ko sa gitna ay hinataw ko lalo, sinisigaw ng mga nanonood pangalan ko. Paglabas naming ng campus ay maraming bumati saken at madami ding papuri ang narinig ko mula sa kanila. Kasama naming noon ang kapatid ko at ang best friend ko na si Vj.
Vj (bff ko) at ako
 Nilibre kami ni Thim ng snack sa 7’11, kung hindi pa kami sitahin ng guwardiya ay di pa naming maiisipang umuwi. Pero hindi kami nagkatuluyan ni Thim dahil nagkabalikan sila ng ex niya. Bago ako matapos ng third year ay nawalan ng trabaho ang papa ko at nakatanggap lamang siya ng limampung libong piso sa paglilingkod niya sa Imperial Appliances Plaza na mahigit sampung taon. Nagkaron din sila ng hindi pagkakaunawaan ng mama ko kaya pumunta noon si mama sa Antipolo at ako ang umako ng mga trabaho sa bahay na dapat ay siya ang nagawa katulad na lamang ng paglalaba, pamamalantsa, pag aasikaso sa mga kapatid kong papasok at kung ano-ano pa, kaya naman ay ito ang naging dahilan kung bakit ako laging absent noon. Bumili ang papa ko ng baboy para kahit papano ay may ikabubuhay kami. Nagpakamatay din ang tito ko dahil sa paghihiwalay nila ng asawa niya pero sabi saken ng tita ko ay may balak pa naman daw siyang bumalik, pero huli na ang lahat, galit na sa kanya ang buong angkan namin. Binigyan lamang siya ng kulang-kulang sampong minuto para masilyan ang tito ko. Bumalik din sa amin si mama. Masaya ang naging bakasyon ko ngayon dahil nakapunta ako sa Bicol, sinama ako ng lola ko, kasama ko rin ang mama ko. Nagkaron ako ng madaming taga hanga doon, kung ano-ano binibigay nila saken kaya naman para akong prinsesa doon. May naging matalik din akong kaybigan doon, may mga natutunan din akong mga salitang galling sa kanila. Madalas din akong dumalo kapag may mga sayawan doon, madaming pumuri saken kahit mga matatanda. Nung pauwi na kami ay dumeretso pa rin ako sa Antipolo kasama ko lola ko. Pumunta naman kami sa Marikina, ilang araw lang kami doon. Nakita ko ang kaibahan ng mga kabataan sa Marikina sa mga kabataan sa Bicol. Si tita sana magpapaaral saken ngayong fourth year pero hindi pumayag papa ko, gusto niyang makabawi samen. Kay kuya Angelo ako nakatira nung umpisa dahil hindi kayang buhayin ng mga magulang ko ang dalawang high school at dalawang elementary. Nung nagloko ang kapatid ko sa pag aaral at naipasyang tumigil na siya, ako ay umuwi na sa amin. Madami na naman akong hirap na naranasan pero kinakaya ko pa rin, ayokong sumuko. Hindi ako nakakuha ng test sa PUP dahil sa kakapusan sap era. Madaming karangalang nakamit ngayon ang IV-A. Sa ngayon ay may trabaho na ang papa ko kaya medyo nakakabawi na kami. Sa ngayon din ay may lalaki akong pinakamamahal, kahit alam kong bawal o hindi pwede. Handa na ako sa anomang pwedeng mangyari. Mag lilimang buwan na kami at hindi koi to pinagsisihan sapagkat sobra-sobra ang saya ang nararamdaman ko kahit pa madaming tutol at madami din nagiging problema, basta ang alam ko mahal na mahal ko siya pero kahit papano ay alam ko ang limitasyon ko. Ngayong bakasyon ay balak kong magtrabaho upang may maitulong ako sa mga magulang ko at para makapag aral din ako. Ito ang pagtatapos ng kwento ko, pero hindi dito nagtatapos ang buhay ko, patuloy akong lalaban sa mga pagsubok ng buhay upang makamit ko ang aking mga pangarap sa buhay.


Wilyn Balitaan

Saturday, February 19, 2011

Ang Talambuhay ni : Aaron Paul Sumiran Lucido

Ang Talambuhay ni : Aaron Paul Sumiran Lucido



WANTED!!! hahaha
          Ang sariling talambuhay ay isang kwento o istorya ng isang tao, na sya mismo ang sumulat. Ang talambuhay ay isang napakahalagang impormasyon sa isang tao. Dahil dito mo malalaman ang buong buhay nito at ang kanyang karanasan sa buhay. Ito mo rin mababasa o malalaman kung naging Masaya o malungkot ang naging tadhana ng isang tao sa kanyang pamumuhay.

            Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento ng kanilang sariling buhay. Masaya man ito o malungkot. Tulad ko ay meron din naman akong masayang karanasan. Hayaan ninyo na ilahad ko sa inyo ang aking sariling talambuhay. Layunin ng aking talambuhay na ilahad ang sariling kwento ng buhay ko simula pa noong aking kapanganakan hanggang ngayon sa kasalukuyang panahon.

Noong nakaraang Oktubre 15, 1994 araw ng Biyernes sa ganap na ika-tatlo at labing anim na minuto ng umaga ay isinilang ang isang napakalusog na isang bata na nagngangalang Aaron Paul Sumiran Lucido. Siguro naman po ay naging Masaya ang aking mga magulang at kamag-anak noong nakita nila akong lumabas ng maayos at malusog mula sa sinapupunan ng aking mapagmahal na ina. Ako ay ipinanganak ng aking nanay sa San Pablo District Hospital. Ang doctor na nagpaanak sa aking ina ay si Doktora Soo. Pagkatapos ng pagkaanak ay namalagi kami sa loob ng ospital ng dalawang araw. Noong Oktubre 17, 1994 araw ng Linggo sa ganap na ika-siyam ng umaga ay inilabas na kami ng ospital. Pero nung una ay ayaw pa kaming palabasin ng guwardiya dahil araw daw iyon ng Linggo kaya hini kami makalabas kasi sarado daw ang mga opisina ng mga ganoong araw. Pinuntahan kami ng aking lola na nagtatrabaho sa loob ng opisina sa mismong ospital na iyon na siya ang naggarantor. Kaya kami nakalabas. Pagkatapos noon ay nakauwi kami sa aming munting tahanan na nakatayo sa #543 Brgy. San Diego, San Pablo City. Kinabukasan naman ay ipinakonsulta ako sa pribadong manggagamot na nagngangalang Doktora Lyda Largoza. Siya rin ang aking naging doctor hanggang sa ako ay lumaki.

Araw nang ako'y binyagan.
Noon naming nakaraang Nobyembre 19, 1995 sa araw din ng Linggon sa ganay na ika-sampu ng umaga ay naganap ang isang simpleng binyagan sa St. Paul the First Hermit o mas kilala sa tawag na Cathedral ng San Pablo. Nagkaroon ng apat na pares ng ninong at ninang. Ang pangalan ng mga ninong ay sina Ruel Porcioncula, Fredie Mañalac, Rodolfo De Duzman, Ruel Alcantara at sa mga ninang naman ay sina Marissa Bertucio-Lucido, Enya Mojado-Ciar, Edesa Sumiran-Ticzon at si Ma. Laviña Lucido. Pagkatapos ng binyagan ay umuwi na kami para magsalu-salo ng tanghalian sa aming bahay.


Noong ako ay walong buwan.



Noong ako ay nasa ika-dalawang buwan ay natuto na akong mapatawa. Tapos noong ika-apat na buwan naman ay nagsimula na akong pakainin ng kanin. Noong ika- walong buwan naman ay nag-uumpisa na akong lumakad gamit ang isang walker.







Selebrasyon ng aking unang kaarawan.
Noong Oktubre 15, 1995 sa araw naman ng Sabado sa ganap na ika-talo ng hapon ako ay naging isang taong gulang na at nagkaroon ng isang simpleng salu-salo sa aming bahay. Nagkaroon ng isang salu-salo para sa mga imbitadong tao para makidalo sa pagdiriwang ng aking unang kaarawan. Maraming naging bisita at marami rin akong matanggap na regalo. Naging Masaya naman para sa aming lahat ang naging maayos sa selebrasyon para sa aking kaarawan ng araw na iyon. Pagkalipas ng mga araw ay naging malikot na ang aking paglaki. Dahil ganun naman talaga ang mga bata sa umpisa ay sobrang kulit at likot. Kaya naman hirap na hirap sa akin ang nanay at tatay ko sa pag-aalaga. Pero noong ako ay nakakapaglakad na nang mag-isa na hindi kailangang gumamit mg walker o inaakay ng tagapag-alaga ay hilig ko noong pumunta sa bahay ng aking lolo na noon ay kapit-bahay lang naming. Sa lahat ang aking naging lolo at lola o sa iba pang kamag-anak ay sa kanya lang ako napamahal ng sobra. Tanda ko pa mga noon kapag ako ay pagagalitan o papaluin ng aking ina ay agad-agad akong tatakbo papunta sa aking lolo upang hindi ako mapalo o mapagalitan. Kaya naman ako ay nasanay na sa ganoong gawain kapag may kasalanang nagawa at upang makaligtas sa parusang ihahatol. Kagaya rin ako ng ibang bata diyan na mahilig sa paglalaro. Kaya naman pagkatapos ng isang buong araw ay pawisan at puro sugat kadadapa. Pero kapag ito naman ay nakita ng aking butihing ina ay agad-aga niya itong lilinisin at gagamutin gamit ang alkohol at betadine.

Pagsapit naman ng ika-limang taon ay sa buwan ng Hunyo ay nagsimula na akong pumasok sa munting paaralan ng Day Care Center sa Barangay ng San iego na kayang-kaya naming lakarin. Dahil malapit lamang sa amin. Pero kahit malapit lamang ang paaralan mula sa aming tahanan ay hatid-sundo pa rin ako ng aking ina. Sa unang araw pa lamang ng klase ay sabik na sabik na akong pumasok at mag-aral. Ang una naming ginawa sa klase ay katulad ng ginawa ng iba na pangkaraniwan nang pagpapakilala sa isa’t-isa. Ang aking guro ay si Gng. Eseo. Isa siyang masipag magpaguhitat magpakulay na guro. Dahil noong mga araw na iyon ay wala na kaming ibang ginawa kundi magguhit nang magguhit at magkulay ng magkulay. Kaya naman meron akong naging kaklase na hindi na nakatapos ng pag-aaral. Dahil na rin nakakasawa at naging kabagut-bagot na ginagawa sa oras ng oras. Siyempre ang gusto ng lahat ay kapag tumunog na ang kampana. Dahil iyon na ang hudyat na recess na. Siyempre, kanya-kanya nang labas ng kani-kanilang baon na pagkain at hindi maiwasan ang pagbibigan at agawan kapag ito ay madamot. Kaya nagkakaaway ng dahil sa baong pagkain. Pagkatapos ng klase ay awasan na ang kinasasabikan ng lahat. Dahil sa mga oras na iyon ay pwedeng-pwede nang nakipaglaro sa kapwa mo estudyante. Pagkatapos maglaro ay kani-kaniya nang uwi sa kanilang bahay. Dahil hapon na at palubog na ang araw. Dumating na rin ang pinakaiintay na araw ng lahat. Ang pagtatapos ng aming pag-aaral sa Day Care. Ito ay ginanap noong Marso 18, 2000. Ika-alas siyete ng umaga sa Liceo de San Pablo. Napakasaya ko noon pati na rin ang aking pamilya. Dahil nakatapos na ako sa aking pag-aaral.

Hunyo na naman kaya buwan na naman ng pag-aaral. Ako ay nasa kindergarten na nang mga oras na iyon. Ang aking eskwelahan na pinasukan ay sa Little Angel Learning Center. Ito ay nasa Sta. Isabel, San Pablo City. Pagkalipas ng ilang buwan ay tapos na ako sa pagiging estudyante ng kindergarten noong Marso 22, 2001.

Intrams
Nandito na ako sa hakbangin ng pagiging estudyante sa elementarya at nasa ika-unang baitang na ako sekyon ng grade 1-A. ang aking naging titser ay si Gng. Caperiña. Isa siyang napakabait na guro. Marami kaming matutunan mula sa kanya. Palagi kaming nagsusulat, nagbabasa at kumakanta sa oras ng klase. 

Birthday bangas! hahaha :)








Ika-dalawang baitang naman noong una ako dapat ay sekyon B dahil mabait ang guro doon. Kaya lang hindi pumayag ang guro na iyon. Dapat daw ako ay sa sekyon A kaya napilitan na rin akong lumipat. Napakataray at napakahilig magpasulat ng aming naging guro sa sekyon A kaya naman ako ay nagkakalyo na sa kaliwang daliri. Dahil sa kasusulat. Sa sobrang taray ay lagi siyang namamaltok ng pambura sa pisara sa mga estudyanteng hindi nakikinig sa kanya kapag siya ay nagtuturo. Kaya dapat kang maging magaling sa pag-ilag. Mahilig din siyang manghigit ng patilya hanggang sa ito ay matanggal. Isa rin iyon sa mga parusa niya kapag hindi gumagawa ng takdang aralin o kaya naman ay hindi nagsusulat ng mga leksyon namin.

Ika-tatlong baitang seksyon A pa rin. Ang aking naging guro naman ay si Gng. Bathan. Siya ay napakasipag na guro. Ako ay nasa ika-apat na baitang seksyon. Ang guro ko ay si Gng. Montoya. Magaling siyang guro lalo na sa larangan ng siyensya, Hekasi at Matematika. Dito na rin nagsimula nang aking pagsama sa kamping ng Boy Scout. Ito ay ginanap sa Sta. Filomena. Yun ang unang pagkakataon na ako’y nakasama sa isang kamping. Doon ko rin natutunan ang mamuhay nang mag-isa at hindi kailangan ng tulong ng pamilya. Gaya na lamang sa mga gawaing bahay. Ika-limang baitang ang aking guro naman ay si G. Vista. Siya naman sa larangan ng Hekasi. Mabait in naman siya sa kanyang mga estudyante. Ika-anim na baitang. Si Bb. De Guzman naman ang aming naging tagapayo. Siya ang guro naming sa asignatura ng siyensya, Ingles, E.P.P., at G.M.R.C.. Sobrang galing niyang guro. Kahit saang larangan ay kaya niyang magturo. Mabait siya sa kanyang estudyante at hindi siya nananakit ng mga estuyante. Mataas din siyang magbigay ng mga grado sa mga estudyante.

           Mas mataas naman na kalidad ng pag-aaral. Ito ang pag-aaral sa hayskul. Noong una ay sinasamahan pa ako ng aking ina sa pagpapalista upang makapasok sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Iyon ang napili ng aking mga magulang na aking pasukang paaralan. Unang araw pa lang ng klase ay kinakabahan na agad ako pagpasok pa lang sa silid-aralan. Dahil wala pa akong masyadong kakilala. Ang unang araw ay pagpapakilala mo ng iyong sarili sa iba. Ang buhay hayskul na sa palagay ko ang pinakamasayang parte ng buhay ko. Dahil sa panahong ito ko naranasan ang tunay na pag-aaral at kailangan na talagang maging seryoso sa paaralan. Dito rin ako nakakilala ng mga bagong kaklase at kaibigan. Masrap talaga ang buhay hayskul dito ko rin naranasan ang pagbibiruan ng todo, pagkakampihan at paglalakwatya. 

      Noong ika-dalawang antas ng sekondarya ay medyo tahimik at hindi pa rin ak masyadong masalaw sa klase. Sa mga panahong ding ito ko naranasan at naramaman ang tamis ng unang pag-ibig. Siya ang kauna-unahang babaeng nagpatibok ng aking puso. Ang babaeng aking tinutukoy ay walang iba kundi si Bb. Marenelle Dela Cruz Bayan. Sa kanya ko lahat nakita ang mga gusto ko sa isang babae. Pero noong una ay paghanga pa lang ang tingin ko sa kanya. Pero pagdating ng ikatlong antas ay sinimulan ko na siyang ligawan noong Disyembre 17, 2009 nang gabing iyon. Dahil may konsyerto kaming dinaluhan sa paaralan at simula noong gabing iyon ay tuluy-tuloy na ang aking panliligaw sa kanya. Kinabukasan ay nagkita pa rin kami at binigyan ko siya ng isang napakagandang singsing. Iyon ang naging tanda ng aking pagmamahal sa kanya. Pero nung itinanong ko sa kanya kung may pag-asa ban a maging kami ang sinagot niya ay bawal pa siyang magboypren. Hindi iyon naging hadlang sa pagmamahal ko para sa kanya.


      Noong nagkaroon kami ng Juniors Seniors Prom noong Pebrero 13-14, 2010 ay siya kaagad ang una kong isinayaw sa tugtog na “love story”. Siya rin ang kasayaw ko noong mag-alas dose at sabay na bati sa kanya ng “Happy Valentine’s Day” at siya rin ang kasayaw ko hanggang sa huling tugtog bali taltlong beses na kaming magkasayaw noon. Pagkatapos ng pagdiriwang ay saka ko lang ininigay sa kanya ang aking regalo na tsokolate at bulaklak. Pagkatapos noon ay uwian na. kaya lang noong Abril 10, 2010 ako ay kanya nang binaste. Dahil kami ay nagkatampuhan kasi pinagbawalan ko siyang sumama upang makipag-inuman sa kanyang mga kaklase. Ika-apat na antas nang sekondarya. Marami kaming mga naging bagong kaklase na mula sa seksyon ng siyensya. Pagdating naman ng Oktubre 23, 2010 ay nagkaroon kami ng isang napakasayang educational Field Trip. Siyempre siya pa din ang aking tinabihan sa bus. Nagpunta kami sa Bioresearch, Intramuros at Mall of Asia. Pagpunta sa Mall of Asia ay nagpunta ako sa tindahan doon ng Blue Magic. Binilhan ko siya ng regalo na hugis puso na may nakasulat na “Happy Birthday”. Dahil kaarawan na niya sa darating na Oktubre 26, 2010. Ibinigay ko yun noong pauwi na kami. Kaya lang noong pag-dating ng buwan ng Nobyembre ay itinigil ko na ang panliligaw  ko sa kanya. Dahil wala na akong nararamdamang pagmamahal mula sa kanya. Buti naman ay panibagong babaeng nagmahal sa akin. Yun ay si Bb. Krislyn Joy Mendoza Cacao. Noong una ay sinabi niya sa akin na mahal niya daw ako. Kaya natutunan ko na rin siyang mahalin at niligawan ko na siya. Sa wakas noong Disyembre 18, 2010 ay sinagot na rin niya ako. Pero hindi rin kami nagtagal. Naging kami lang sa loob ng isang buwan at dalawampu’t limang araw. Heto na ang pamumuhay ko ngayon na Masaya at walang inaalala. Pero hanggang ngayon ay may isang tao pa ring patuloy kong minamahal ng sobra-sobra. Hindi ko pa rin siya nakakalimutan dahil sa kanya ko lang naramdaman ang tunay na pagmamahal kahit hindi na kami. 

JS PROM. '09-'10


Hanggang dito na lang po muna ang aking maikukwento sa inyo. Salamat po sa inyong lahat sa pagbasa ng aking munti ngunit makabuluhang talambuhay. 



Friday, February 18, 2011

Ang Talambuhay ni Sharmaine Sendon Montefalcon (Ako Lang, Walang Iba)


Noong ako ay bininyagan.
     Isinilang ako  ng aking Ina noong Oktubre 18, 1994, sa  Sto. Niño, San Pablo  City. Sa pagsilang sa  akin, binigyan ako ng aking mga magulang na sina  Santiago Montefalcon at Herminia Montefalcon ng panagalang  Sharmaine. Dahil sa hindi pa kasal mga magulang ko noon ay sa Candelaria, Quezon naparehistro ang aking pangalan at bininyagan sa Simbahang Aglipay na dapat ay sa Sa n Pablo City at sa Simbahang Katoliko. Ganoon  din ang nangyari sa aking mga kapatid  na sina Hersan Montefalcon, Jennifer Montefalcon at Emersan Montefalcon.
Tatlong taong gulang.


     Simula  ng ako ay isinilang, sa Brgy. Sto. Niño, San Pablo City kami nakatira. Sa unti-unti kong paglaki, nakakilala ako ng mga batang taga-doon na  naging kalaro ko.  Sa kanila  ako  natutong maglaro  ng holen, lutu-lutuan at marami pang iba.  Isang araw, sa likod ng aming bahay ay mag-isa lang akong naglalaro ng holen. Hindi ko namalayan, ito pala ay naisubo ko at nalunok. Bigla kong tinawag ang nanay ko na naglalaba. Hindi ko agad nasabi sa kanya na nakalunok ako ng holen, dahil  nahihirapan akong magsalita at medyo nasusuka pa. Ang ginawa niya ay binatukan ako pero walang nangyari kaya dinala na niya ako sa hospital. Ngunit wala din namang nangyari kaya umuwi na lang kami. Pagdating namin sa  bahay, nakaramdam ako ng pagdumi at sa aking pagdumi ay sumama na sa paglabas ang holen na aking nalunok. Laking tuwa ko noon dahil wala na akong nararamdamang masama. Simula noon, hindi na ako nagsusubo ng mga bagay na hindi naman nakakain.

   Sa halip na maglaro, nasama na lang ako sa aking Ina sa paaralan na pinapasukan ng aking mga kapatid sa mababang Paaralan ng Sto. Niño. Nagtitinda siya don ng palamig at ice candy. Sa  araw-araw na pagsama ko sa kanya, nakilala ko na ang mga kamag-aaral ni ate at kuya. Sila ay naging kalaro ko. Pag minsan pa nga,tinutulungan ko silang magbunot ng damo. Nahanga nga sila sa akin, dahil sa liit ko daw ay ang bilis ko daw magbunot ng damo. Daig ko pa daw sila. Nang dumating ang taon  na malapit na akong pumasok ay napagkasunduan ng aking mga magulang na lumipat kami ng bahay sa Brgy. Sta. Catalina kung saan  malapit lang sa bahay ng aking Lola at sa paaralan na  aking papasukan. Sa Sto. Niño kasi ay sobrang layo ng paaralan mula sa aming bahay at delikado pa dahil mabilis ang sasakyan na nadaan doon. Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang sa kanila  dahil para din naman ito sa akin.

Si Michael at ako. Siya yung lagi kong kalaro.

  Taong 2000, lumipat na kami ng bahay sa Brgy. Sta. Catalina at pansamantalang nanirahan muna sa bahay ng Lola ko dahil nagpapatayo pa kami ng bahay. Ang paninirahan namin doon ay naging masaya dahil malapit lang kami sa aming mga kamag-anak. Tuwing Sabado, hihihintay kong dumating ang pinsan ko na taga-Calamba. Iyon  ang lagi kong kalaro. Sa kanya ko natutunan kung paano maglaro ng 8 cards at 123  pass. Masaya kaming naglalaro nito at kung sino ang matalo ay pipitikin  ang kamay. Nakakaawa naman ako noong una kasi lagi ako ng talo dahil sa hindi pa ako  masyadong maalam, pero habang  tumatagal, nananalo na ako. Pag minsan, aso naman ang nilalaro namin, ikinukulong namin ito sa loob tapos tatakbo kaming dalawa ng mabilis upang indi kami maabutan nito. Ang  aso ay gagawa ng paraan upa ng makaalpas at tatakbo din ng mabilis upang maunahan kami. Kahit anong gawin namin ay hindi pa rin namin magawang unahan ang aso. Kapag iyon ang kasama ko, masasabi kong  na-enjoy ko ang aking pagkabata.

     Pumasok ako ng Kinder sa loob lamang ng isang linggo. Nilagnat ako noon tapos hindi na tuluyang pumasok dahil natatakot ako sa aking guro. Napalo pa nga ako ng aking Ama sa kagustuhan niyang papasukin ako, pero ayoko naman. Kaya napagpasyahan ng aking mga magulang na huwag na lang daw muna akong pumasok dahil hindi pa daw ako handa. Kung kaya, isang taon akong puro laro lamang ang ginagawa. Kapag papasok na ang aking mag kapatid sa paaralan ay hinahabol ko sila at ako ay naiyak, ayokong iwan nila ako dahil natatakotpa akong makasama ang aking Lola. Pero habang tumatagal nasanay na din ako.

     Di bale ang nangyari, Grade1 na kong nagsimulang pumasok na ang  akala ko pa ay saling-pusa lang ako dahil hindi ako nakapasok ng kinder at wala pa akong alam, kahit ang mga kulay ay hindi ko din alam. Sa unang pagpasok ko ay kinakabahan ako dahil wala pa akong kakilala kahit isa, pero paglipas ng ilang araw ay nagkaroon na ako ng mga kaibigan at nagsimula na din akong dumaldal kaya  napapagalitan ng guro. Noong magkatabi kami ni Paul John Dorado ay pinaglayo kami ni Mam ng upuan dahil sa  kaingayan namin, ngunit  kahit magkahiwaly na kami ay ay patuloy pa rin kaming nagdadaldalan, kaya sabi sa amin ni Mam, kapag indi daw kami tumigil ay pag-uuntugin niya na  kami. Kaya  simula noon  ay tumigil na kami. Noong malapit ng matapos ang taon, masasabi kong hindi naging hadlang ang hindi ko pagpasok  ng kinder dahil ako ay naging 3rd Honor at nataasan ko pa ang mga kaklase kong pumasok ng kinder.

Ito ay noong Grade 2  ako.
      Grade 2, lagi akong  napapagalitan ng aking guro dahil napakaharot ko daw. Hindi ko na lang ito pinansin. Nag-aral akong mabuti at tumaas ang aking  ranggo. Ako ay naging 2nd Honor.

      Grade 3, sa baitang na ito ako nagsimulang maglaro ng balibol. Ayaw pa akong payagn ng aking mga magulang na sumali, dahil baka daw mapabayaan ko ang aking pag-aaral. Ngunit pinilit ko pa rin sila at ako ay nakasali. Kapag kami ay nag-eensayo, laging sinasabi ng coach ko na maalam daw akong maglaro, kaya lalo akong nagka-interes maglaro nito. Sa unang laban namin sa Division Meet ay natalo kmi ng dalawang sunod kaya laglag na agad. Ang paglalaro ko sa taong ito ay hindi nakaapekto sa aking pag-aaral, sa halip nakatulong pa ito,  dahil naging 1st honor ako.


Mga ka-team ko sa STCAA.


Ipinagpatuloy ko ang aking paglalaro ng balibol hanggang Grade 6. Nahasa ng husto ang aking kakayahang maglaro  ng balibol. Kung kaya nakatanggap kami ng ikatlong pwesto noong Grade 5 at napasama pa ako sa STRAA sa Dasmariñas, Cavite. Noong Grade 6 naman ako ay nakatanggap ng Ikalawang pwesto at napasama ulit ako at si Sarah Maica Dela Cruz sa STCAA ( Southern Tagalog Calabarzon Athletes Association ) sa Batangas. Dito naglalaban-laban ang mga piling mahuhusay na manlalaro. Napakapalad ko na ako ay napasama  dito. Sa paglahok ko dito, marami akong magagandang karanasan. Ngunit sa pagsali ko dito ay hindi ko na  namalayan na napabayaan ko na pala ang aking pag-aaral. Bumaba na ng bumaba ang aking pwesto. Noon ko lang na-realize na hindi lang pala dapat puro laro lang inuuna ko. Dahil dito, naging 2nd Honor na lang ako noong Grade 5 at 1st Honorable Mention lang ang natanggap kong karangalan noong ao ay nagtapos ng elementarya. Madaming nagalit sa akin dahil pinabaayn ko daw ang aking pag-aral. Inuuna pa ang balibol kaysa pag-aaral.  Kaya simula noon, sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako maglalaro ng balibol sa hayskul.

     Sa pag-eenroll ko ng 1st Year Highschool sa Dizon Hihg ay nahirapan ako dahil wala akong birthcertificate. Sa kadahilanang ang orihinal na kopya nito ay nasa Division Office  na ginamit ko  sa paglalaro ng   balibol na hanggang sa  ngayon ay hindi pa napapabalik sa akin. Buti na lang ipinakiusap ako ng Tita ko na sa pasukan na lang daw ibigay ang birthcertificate ko at pumayag naman sila. Laking pasasalamat ko sa kanya. Sa unang araw ng pasukan ko nalaman ang seksyon ko. I-A. Hindi naman ako nahirapang makisama sa mga kaklase ko dahil may kaklase ako na naging kaklase ko noong  elementarya. Ngunit hindi naman siya ang lagi kong nakakasama. Nabuo ang grupong KIKAYZ, at ako ay naging miyemro noon kahit hindi naman ako kikay. Makalipas lang ang ilang linggo ay nabuwag na ang grupong ito, ngunit may natira pa rin akong kaibigan na lagi kong nakakasama. Isa na dito  si Anjanette Posada. Nakakatuwa iyan, kasi pagkatapos naming magcomputer, nakasaluong namin siya. Sabi niya may ostoeporosis daw siya, pero sa likod naman ng tuhod nakahawak. Nagtaka kami. Sabi namin, "di ba ang ostoeporosis ay nasa likod?". Sabi niya, "sa likod nga.". Umoo  na lang kami tapos nagtawanan.

JERSAJ
      Sa ikalawang antas ng sekondarya nabuo ang JERSAJ na kinabibilangan nina Jelyn Joy Llagas, Elaine Malaluan, Reychelle Populi, Sharmaine Montefalcon, Anjanette Posada at Jazzy Caputulan. Sila ang lagi kong nakakasama, sa kalokohan, kasalawan at sa lahat ng bagay. Nagtutulungan kapag ang isa ay may problema.  Ngunit dumating ang araw na nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan kay Posada kaya siya humiwalay sa amin at  nakasama  sa grupo ng JRALM. Noong una, medyo ilang kaming pansinin siya pero noong tumagal na, nagkaroon na kami ng pagkakataon na mag-open forum. Doon namin nailabas ang lahat ng hinanakit namin sa isa't-isa. May umiyak pero ayos lang yun. At dahil doon, lahat ay naayos na, si Posada ay lagi na ulit naming nakakasama.

      Sa  ngayon na ako ay nasa ika-apat  na antas na ng sekondarya. Dito ako madaming kalokohang ginagawa. Pero hindi ako nagka-cutting classes. May nakasagutan sa IV-F upang ipagtanggol ang paglilinis ng IV-A  ng silid. Pero makalipas ang ilang araw ay nagkaayos din kami. Kapag nagkakasalubong, nagngingitian at nagpapansinan. Ang seksyon pa nga nila ang naging kakampi namin sa mga laro noong mini olympics.

     Madami akong activities na sinalihan tulad ng science camp, kung saan namalagi kami sa paaralan ng tatlong araw at dalawang gabi. Fieltrip na hindi naman ako nasiyahan sa mga pinuntahan. Mini olympics na nagkaroon ng bagong kaibigan at nagkaroon  din ng kagalit. Red Cross Seminar kung saan tinalakay ang mga dapat gawin kapag may disaster. At ang huli ay ang JS Prom na may theme na Hawaiian. Wala dapat akong sumama dito, ngunit ng sumsms na ang mga bestfriends ko ay napilitan na di akong sumama. Ang araw bago mag-JS, doon nabuo ang desisyon kong sumali. Hindi naman ako nagsisi sa pagsali dito dahil naging masaya naman ako. Ngayong ako ay malapit ng makapagtapos ng sekondarya, sana ay makapili ako ng kursong  naaangkop sa aking kakayahan at kailanma'y hindi ko pagsisisihan.
4th Year.
     Hindi ko masasabi sa sarili ko puro kasiyahan lang a ng naramdaman ko, dahil sa mga kabiguan kong natamo ay nakaramdam ako ng sobrang kalungkutan. Ngunit hindi ako nagpaapekto dito, dahil alam ko na ang kabiguan ay maaari kong gawing inspirasyon upang matupad ko ang aking mga pangarap.




15 years old.